Melai Cantiveros, umalma sa netizen na tumawag sa kanyang "epal"

Melai Cantiveros, umalma sa netizen na tumawag sa kanyang "epal"

- Sa kanyang komento sa Instagram post ni Alex Ilacad kung saan kasama ni Alexa si KD Estrada sa Litrato, may mga KDLex fans na umalma kay Melai Cantiveros

- Dilaw kasi na heart emoji ang ginamit ni Melai ngunit hindi ito nagustuhan ng ilang supporter dahil ang yellow na heart ay ginamit para sa tambalang KyJi

- Ang KyJi ang tawag sa tambalang KD at kapwa housemate nito na si Anji Salvacion

- Marami naman ang nagtanggol kay Melai at nagsabing malamang dilaw ang kulay ng heart emoji na ginamit niya dahil dilaw din ang kulay ng damit na suot nina Alexa at KD sa picture na binahagi ni Alexa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalampas ni Melai Cantiveros ang isang netizen na tumawag sa kanyng "epal." Ito ay dahil lamang sa paggamit niya ng dilaw na heart emoji sa Instagram post ni Alexa Ilacad kung saan ibinahagi niya ang picture nila ni KD Estrada. Dilaw din ang damit nilang suot sa nasabing picture.

Read also

Andrea Brillantes, bumwelta sa netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video

Melai Cantiveros, umalma sa netizen na tumawag sa kanyang "epal"
Melai Cantiveros at Jason Francisco (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Isang netizen ang umalma sa komento ni Melai na yellow hearts at tinawag pa nitong epal si melai. Sagot naman ni Melai, parehas niyang sinusuportahan ang KyJi at KDLex.

ikaw ang Epal anu ba ang paki ko sa kulay ng heart nyu e heart ko ang nakafocus ako , lab ko kyji at kdlex anu paki mu, ikaw nag magrespect , minsan kaya kawawa ang sinusuportahan dahil sa katulad mung epal na di iniintindi ang idol .
Melai Cantiveros, umalma sa netizen na tumawag sa kanyang "epal"
Screenshot from Alexa Ilacad (@alexailacad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang nagtanggol kay Melai at nagsabing malamang dilaw ang kulay ng heart emoji na ginamit niya dahil dilaw din ang kulay ng damit na suot nina Alexa at KD sa picture na binahagi ni Alexa.

Momshie mels hehe okay lang na yellow heart ginamit mo kasi yellow yung suot nila pero white heart po tayo hahaha

Read also

IG post ni Seth Fedelin, viral kasunod ng paglabas ng picture nila ni Francine Diaz

Okay lang yan yellow kasi suot nila kaya yellow hearts rin ginamit hehe
True kawawa tlaga ayaw na lang maging masaya kung ano ang naibibigay ng idol nila

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nag-viral ang pagbigay ni Melai ng sasakyan sa asawang si Jason. Ibinahagi ni Jason ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang social media account.

Samantala, Itinuturing ni Melai na "best" birthday gift para sa kanya ang video greeting mula sa idolong si Kristine Hermosa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel