Madam Inutz, umalma sa mga gulo sa pagitan ng mga fans ng housemates

Madam Inutz, umalma sa mga gulo sa pagitan ng mga fans ng housemates

- Matapos niyang ma-evict nitong Sabado, muling naging aktibo sa social media si Madam Inutz

- Sa kanyang post ay inihayag niya ang kanyang pagka-miss sa mga taong aniya ay tunay na may ambag sa kanyang buhay at hindi puro ganda lang

- Pinuna niya rin ang pagkakagulo at girian ang mga fans ng mga housemates sa kabila ng maayos nilang samahan sa loob ng bahay

- Hiniling niya na sana ay tigilan na ang gulo at magmahalan na lang ang mga fans

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Madam Inutz ang kanyang picture kasama ang mga taong kanyang na-miss, ang mga taong aniya'y totoong may ambag sa kanyang buhay at hindi puro ganda lang.

Madam Inutz, umalma sa mga gulo sa pagitan ng mga fans ng housemates
Madam Inutz (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Nagulat din umano siya sa mga kaguluhan at girian ng mga fans ng mga housemates gayong ang ganda ng kanilang turingan at samahan sa loob ng bahay.

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Hiniling niya na sana ay tigilan na ang gulo at magmahalan na lang ang mga fans.

Sobrang na miz ko yung may ambag sa buhay ko indi yung puro ganda lang‼️ Na miz ko yung buhay sa outside world at naninibago ako sa pag pindot ng aking phone‼️ indi ko rin alam kung marunong pa ako mag mura mga inutil kayo‼️ Nagugulat kami mga housemates na ang ganda ganda ng pag sasama namin sa loob ng bahay ni kuya tapos pag labas dto sa outside world ang gulo gulo at puro kasiraan ng kanya kanyang fandom sa social media. umayos kayo at pag mumura ko kayo isa isa ng matuto kayo‼️ Mag mahalan tayo mga g*nggong‼️

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang sosyaling shopping para sa kanyang pangregalo

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapamanage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel