Pagbabalik-tanaw nina Rob Moya at Tyronia Fowler, kinatuwa ng fans ng ToRo family

Pagbabalik-tanaw nina Rob Moya at Tyronia Fowler, kinatuwa ng fans ng ToRo family

- Sa kanyang bagong vlog, pinakita ni Rob Moya ang kanyang pagbabalik sa ToRo fam upang ipagluto ang mga ito

- Ani Toni Fowler, na-miss nila ang niluluto dati ni Rob para sa kanila kaya pumunta ito upang ipagluto sila

- Habang nagluluto siya, nanonood si Tyronia at nakipag-usap sa kanyang Tito Rob na dati niyang tinatawag na Daddy Rob

- Marami ang natuwa na muli silang nagiging komportable na mag-usap at nakapagbalik-tanaw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinatuwa ng mga fans ng ToRo fam ang tila unti-unting pagbabalik sa dati ng samahan nila. Muling bumalik si Rob Moya kamakailan para ipagluto ang ToRo dahil ayon kay Toni ay na-miss nila ang luto ni Rob.

Pagbabalik-tanaw nina Rob Moya at Tyronia Fowler, kinatuwa ng fans ng ToRo family
Rob Moya
Source: Facebook

Habang nagluluto siya, nanonood si Tyronia at nakipag-usap sa kanyang Tito Rob na dati niyang tinatawag na Daddy Rob. Marami ang natuwa na muli silang nagiging komportable na mag-usap at nakapagbalik-tanaw:

Read also

‘The Guy Behind the Black Face Mask’ KMJS episode, may 20 million views na

Tito Rob ang sabi ni baby tyronia..good to hear wla na ung daddy rob.
Hindi ako nasanay tawagin ni tyronia si Rob moya ng tito pwede bang daddy Rob padin ❤

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

I hope di nasasaktan si tito vince sa mga nangyayare ngayon,kase tao lang din naman sya may pakiramdam at nahihirapan pero im proud of this person kase pinipilit niya intindihin yung mga nangyayare. Ang saklap lang sa kalagayan niya sana naiisip din ni mamehh na may taong nagseselos para sa kanya kaso di lang niya pinapakita kase wala naman karapatan din si tito vince, pero sana mag adjust kayo mamehh and daddy rob im not a basher po im fan since 2017 aylabyuuuu stay strong toro family

Samantala sa kanyang naunang video, inamin ni Rob ang malaking tulong na naibigay sa kanya ni Toni. Bilang pasasalamat ay pinuntahan niya ito sa ToRo condo at nagdala siya ng mga bouquet para sa kanilang mga kasamahan sa condo.

Read also

Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya

Nilinaw naman ni Rob na hindi sila nagbalikan ni Toni kaya sana umano ay huwag nang lagyan ng ibang kulay ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.

Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel