Mga psychology graduate sa Negros Occidental, tinaguriang 'Batch of Achievers'

Mga psychology graduate sa Negros Occidental, tinaguriang 'Batch of Achievers'

- Kahanga-hanga ang mga Pasychology graduate sa Negros Occidental dahil lahat sila'y may award

- Ilan sa kanila'y dean's lister, habang ang iba nama'y cùm laude, magna cùm laude at sùmma cùm laude

- Dahil dito, tinagurian silang 'Batch of achievers' at wala ni isa sa kanilang umuwi na walang award

- Ngayong taon, muling pinahintulutan na ang pagsasagawa ng face-to-face graduation ceremonies

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tunay na nakakabilib ang mga psychology graduates ng Carlos Hilado Memorial State University sa Negros Occidental.

Mga Psychology graduate sa Negros Occidental, tinaguriang 'Batch of Achievers'
Mga Psychology graduate ng Carlos Hilado Memorial State University (Photo: Angelo Angolo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na lahat kasi sa kanilang magkakaklase at magkaka-batch ay pawang napasaya ang kanilang magulang dahil umuwi silang lahat na may honor.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabing pito naturang graduates ang dean's lister, 14 ang mga cùm laude, 23 naman ang naging magna cùm laude at isa ang pinalad na maging sùmma cùm laude.

Read also

Aubrey at Troy, matapang na idinetalye ang tungkol sa bunso nilang si Rocket

Dahil sa kahanga-hangang achievement nilang ito, tinagurian umano sila na 'Batch of Achievers.'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Karamihan pa umano sa mga nakapagtapos na ito ay aminadong galing sa mahirap na pamilya.

Subalit ang kanilang mga karangalan ay siyang pruweba na hindi hadlang ang kahirapan sa pagiging isang honor student na siyang magiging daan nila sa pag-abot ng mas marami pang tagumpay sa buhay.

Ngayong taon, muli nang pinahintulutan ang face-to-face graduation. Siniguro lamang nga mga paaralang nagsagawa nito na susunod pa rin sila sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, at ang social distancing.

Matatandaang Setyembre 13 ng taong 2021 nagbukas na ang klase sa taong panuruan 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan at nakatakdang matapos ngayong Hulyo 8.

Sa ngayon, ilang learning modalities tulad ng blended learning, online at modular learning ang patuloy na isinagawa gayung hindi parin pinahihintulutang magkaroon ng 100% na face-to-face classes ang mga mag-aaral. Ilang mga piling paaralan lamang ang nakapagsagawa ng limited face-to-face classes kung saan 10-15 mga mag-aaral lamang ang maaring magklase sa isang silid bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica