PBBM, inanunsyo ang planong full face-to-face classes sa Nobyembre

PBBM, inanunsyo ang planong full face-to-face classes sa Nobyembre

- Nabanggit ni President Bongbong Marcos ang plano nila ni Bise Presidente Sara Duterte ukol sa pagbubukas ng klase sa panuruang taon 2022-2023

- Inaasahang magbubukas ito sa Setyembre subalit sa Nobyembre, plano nilang gawin itong full face-to-face

- Matatandaang nito lamang Marso, ilang paaralan na sa alert level 1 ang nagsagawa na ng limited face-to face classes

- Ilang kondisyon ang siniguro ng DepEd sa pagsasagawa nito tulad ng pagpapabakuna ng mga mag-aaral na nais na magbalik paaralan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinasabing magbubukas ang panuruang taong 2022-2023 sa Agosto ngayong taon ayon sa Department of Education.

PBBM, inanunsyo ang planong full face-to-face classes sa Nobyembre
Photo: President Bongbong Marcos (PTV)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tulad ng nasimulan na noong Marso, patuloy ang unti-unti pagbabalik paaralan ng mga estudyante na nasa limited face-to-face set-up na matapos na makasunod sa mga alituntunin bago ito maisagawa.

Ayon sa nabanggit ni Presidente Bongbong Marcos (PBBM) sa unang cabinet meeting sa ilalim ng kanyang administrasyon, plano na rin umano nila ang 100% face-to-face classes sa Nobyembre.

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

"The first thing that is an example of that is Inday Sara’s announcement that we have a plan for full face-to-face by November of this year,” ani ni PBBM base sa plano ni Bise Presidente Sara Duterte, ang susunod na Education Secretary.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pag-uusapan din umano ang tungkol sa vaccination ng mga estudyante na siyang isa sa mga inihahanda sa napipintong implementasyon ng full face-to-face classes.

Setyembre 13 ng taong 2021 nagbukas na ang klase sa taong panuruan 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan at makatakdang matapos ngayong Hulyo 8.

Sa ngayon, ilang learning modalities tulad ng blended, online at modular learning ang patuloy na isinagawa gayung hindi parin pinahihintulutang magkaroon ng 100% na face-to-face classes ang mga mag-aaral. Ilang mga piling paaralan lamang ang nakapagsagawa ng limited face-to-face classes kung saan 10-15 mga mag-aaral lamang ang maaring magklase sa isang silid bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Read also

Back-to-back na LOL at It's Showtime, katapat 'di umano ng magiging noontime show ni Toni G

Kaugnay nito, ikinabahala ng Department of Education ang pagkakaroon umano ng mga group chat tulad ng 'online kopyahan' kung saan nagbibigayan na ng sagot ang mga miyembro ng mga modules na umano'y naiwasto na ng kanilang teachers. Bagaman at burado na ang nasabing group chat, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI tungkol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel