DepEd, handa umanong makiisa kay incoming VP na si Sara Duterte

DepEd, handa umanong makiisa kay incoming VP na si Sara Duterte

- Naglabas na ng nilagdaang pahayag si DepEd Secretary Leonor Briones kaugnay inanunsyo ni presidential frontrunner Bongbong Marcos

- Nasabi ng nangunguna sa mga presidentiables na ang inaasahang bise presidente na si Sara Duterte ang kanyang itinatalagang kaagapay ng Department of Education

- Dahil dito, handang makiisa umano ang nasabing kagawaran kay Duterte

- Katunayan, una nilang ihahain dito ang 2030 Basic Education Plan 2030 upang maipagpatuloy ang kanilang nasimulan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang oras lamang matapos na maglabas ng pahayag ang presidential frontrunner na si Bongbong Marcos kaugnay sa pagiging Deped secretary ng kanyang inaasahang Vice president na si Sara Duterte, agad namang naglabas ng pahayag ang naturang kagawaran.

DepEd, handa umanong makiisa kay incoming VP na si Sara Duterte
Photo: DepEd Secretary Leonor Briones at Inday Sara Duterte
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa nilagdaang pahayag ni Department of Education secretary, handa umano ang kagawaran na makiisa kay Duterte at sa magiging pamumuno nito sa kanila.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

"I welcome the announcement by Presidential frontrunner Bongbong Marcos that incoming Vice President Sara Duterte will concurrently serve as Department of Education Secretary."
"I and the DepEd family are ready to work with her team for the orderly transition of DepEd leadership. We will turn over the Basic Education Plan 2030, the first time that an outgoing administration will leave behind a medium-term plan. We are confident that DepEd will be in able hands and anticipate a continuity."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng pahayag:

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.

Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica