Comelec, dumulog sa NBI ukol sa viral video ng umano'y pagpupunit ng mga balota

Comelec, dumulog sa NBI ukol sa viral video ng umano'y pagpupunit ng mga balota

- Paiimbestigahan na ng Comelec ang video ng umano'y pinupunit na mga balota

- Makikita sa unang bahagi ng video na shaded ang mga balota na kaluna'y pinagpupunit

- Kapansin-pansin din na ang mga gumagawa nito ay mga naka-uniporme sa serbisyo

- Sinasabing ang naturang video ay kuha sa isang voting precinct sa Cotabato

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pasisimulan na ang imbestigasyon kaugnay sa viral video kung saan makikitang pinupunit na lamang ang ilang shaded ballots.

Nalaman ng KAMI na mismong ang Commission on Elections ang dumulog sa National Bureau of Investigations.

Comelec, dumulog sa NBI ukol sa viral video ng umano'y pagpupunit ng mga balota
Photo: COMELEC
Source: Facebook

Ayon sa ulat ni Martin Sadongdong ng Manila Bulletin, nais malaman ng Comelec ang katotohanan sa likod ng video na sinasabing kuha umano sa Cotabato.

“All of the videos will be referred to the NBI per our arrangement with them, with instruction to verify the truth and veracity of these videos,” ani Comelec Commissioner George Erwin Garcia na siyang namumuno rin ng Comelec Task Force Kontra Fake News.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa 2:50 na video, makikitang shaded pa ang bilog katapat ng pangalan ni Vice President Leni Robredo na tumatakbo sa pagkapangulo.

Ipinakita rin ang ilang bahagi ng balota na shaded pa rin ang mga bilog.

Agaw pansin din ang mga gumagawa ng pagpunit na umano'y mga naka-uniporme sa serbisyo.

Sinasabing makikiisa rin sa paghahain ng kani-kanilang report ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), and Philippine Coast Guard (PCG) kapag na-validate na ang naturang video.

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.

Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica