Pastor Dimver Andales, arestado sa bisa ng Warrant of Arrest sa umano'y kasong murder

Pastor Dimver Andales, arestado sa bisa ng Warrant of Arrest sa umano'y kasong murder

- Inaresto ang itinuturong mastermind ng pagpatay kay Mr. Cagayan de Oro Candidate Adrian Fornillos

- Sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder, inaresto si Pastor Dimver Andales

- Maging ang Junior Pastor na si Jether Nonot ay inaresto din

- Inihayag naman ng legal counsel ng Pastor na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mapatunayang inosente ang kliyente

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Arestado si Pastor Dimver Andales ng Lapasan Baptist Church matapos lumabas ang warrant of arrest sa kanya sa kasong murder. Kaugnay ito sa kaso ng umano'y pagpaslang kay Mr. Cagayan de Oro Candidate Adrian Fornillos.

Pastor Dimver Andales, arestado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder
Pastor Dimver Andales, arestado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder (iFM CDO/Facebook)
Source: Facebook

Sa live video ng makikita ang kaganapan sa pag-aresto kay Pastor Andales na nauna nang pinabulaanan ang alegasyon sa kanya. Pumunta din sa estasyon ang pamilya ng napaslang na si Fornillos.

Read also

Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: "Maine nak, I love watching you & Arjo happy"

Matatandaan naging matunog ang storya ng pagkamatay ni Fornillos matapos kumalat sa social media ang sinasabing pagkakadawit ng Pastor dahil sa diumano'y relasyon nito sa nobya ni Fornillos. Kumakalat na rin online ang mugshot ng dalawang pastor matapos nilang madakip nitong araw.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging ang Junior Pastor na si Jether Nonot ay inaresto din. Inihayag naman ng legal counsel ng Pastor na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mapatunayang inosente ang kliyente.

Si Pastor Dimver Andales ay bishop sa Lapasan Baptist Church. Nag-viral ang posts kaugnay sa kaso ng pagpaslang kay Adrian Fornillos at si Pastor Andales ang dinadawit na mastermind umano sa kaso.

Matatandaang pinabulaanan ni Pastor Andales ang mga lumabas na alegasyon laban sa kanya kasunod ng pag-viral ng kwento tungkol sa post ng Facebook user na si Jone Orog. Mag-aapat na buwan na daw ang nangyaring pagpaslang kay Fornillos kaya nagtataka daw siya kung bakit dinadawit ang pangalan niya. Balak daw magkaso ng pastor at aniya ay sinisira ang kanyang pangalan lalo at tatakbo ang kanyang anak nitong barangay election.

Read also

KC, may mahabang partisipasyon umano sa concert nina Sharon at Gabby ayon kay Cristy

Nakatanggap naman ng subpoena ang pastor bilang respondent sa Adriane Fornillos murder case. Matatandaang nauna nang nagsalita ang pastor kaugnay sa pandadawit sa pangalan niya sa usaping ito. Nag-viral ang mga post ng karelasyon ng napaslang na si Fornillos. Nauna na ring pinabulaanan ni Pastor Andales ang mga akusasyon sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate