Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: "Maine nak, I love watching you & Arjo happy"

Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: "Maine nak, I love watching you & Arjo happy"

- Ibinida ni Sylvia Sancez ang mga sweet na videos at pictures ng mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza

- Kasama si Sylvia sa pagbabakasyon ng mag-asawa at masaya daw siyang makitang masaya ang dalawa

- Inihayag din niya ang kanyang kaligayahan na magkaroon ng magandang relasyon sa kanyang daughter-in-law

- Ito umano ang hiling nila para sa mga anak na makapag-asawa ng mga mababait na tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Sylvia Sanchez ang mga pictures at videos nina Arjo Atayde at Maine Mendoza na kuha sa kanilang bakasyon. Pinagmalaki din ni Sylvia ang kanyang mabait na daughter-in-law.

Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: "Maine nak, I love watching you & Arjo happy"
Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: "Maine nak, I love watching you & Arjo happy" (@sylviasanchez_a)
Source: Instagram

Aniya, masarap sa pakiramdam na kasundo niya ang kanyang manugang.

This is a first for me. It feels so great to be a Mother-In-Law lalo na pagkasundo mo ang Daughter In Law mo. What a Blessing to have this kind of relationship with you my daughter @mainedcm.

Read also

Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"

Dagdag pa niya, hiling nila na magkaroon ng mabubuting asawa ang kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito ang tanging hiling namin sa mga anak namin. Uwian kami ng mabubuting asawa. Maine nak, I Love watching you & Arjo Happy and I am behind you two 100%.

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Matatandaang nagbahagi si Ryzza Mae Dizon ng bagong vlog kung saan pinakita niya ang ilang kaganapan sa kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza. Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang kanyang naging paghahanda hanggang sa ilang pasilip sa reception at wedding ceremony. Kasama din ni Ryzza ang ilan sa mga kasamahan nila sa "E.A.T." Matatandaang ginanap ang kasalan nitong July 28, 2023 sa Baguio.

Read also

KC, may mahabang partisipasyon umano sa concert nina Sharon at Gabby ayon kay Cristy

Samantala, naawa umano si Cristy Fermin kay Alden Richards na muli na namang naging maingay ang pangalan online. Ito ay kaugnay sa pag-amin umano ni Alden kamakailan sa programang Fast Talk with Boy Abunda ng umano'y naramdaman niya noon kay Maine. Dahil dito, naakusahan siya ng ilan ng umano'y 'user' o manggagamit sa kanilang dating naging love team ni Maine. Kamakailan, ipinalabas na ang pelikula nina Alden at Julia Montes na pinakaabangan din ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel