Vice Ganda, binahagi ang pagpapagawa niya ng ngipin na unkabogable ang presyo

Vice Ganda, binahagi ang pagpapagawa niya ng ngipin na unkabogable ang presyo

- Pinakita ni Vice Ganda ang kanyang pagpapagawa ng ngipin sa isang kilalang dental clinic

- Habang ginawa ang kanyang ngipin ay hindi mapigilang matawa ng mga staff dahil sa mga hirit ni Vice Ganda

- Itaas na bahagi pa lamang ang natatapos ngunit nagkakahalaga ng kalahating milyon ang kanyang pinagawa

- Nakatakda pang gawin ang ibabang bahagi ng kanyang mga ngipin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Vice Ganda ang video ng kanyang pagpapagawa niya ng ngipin na aniya ay unkabogable ang presyo. Masayang pinasalamatan ni Vice Ganda ang mga staff at dentista na gumawa sa kanyang ngipin.

Vice Ganda, binahagi ang pagpapagawa niya ng ngipin na unkabogable ang presyo
Vice Ganda, binahagi ang pagpapagawa niya ng ngipin na unkabogable ang presyo (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kinaaliwan naman ng kanyang mga viewers ang pagpapatawa ni Vice Ganda habang ginagawa ang ngipin niya. Maging ang mga staff ay tawa lang ng tawa sa mga hirit ni Meme.

Nang tanungin ni Vice ang presyo ng kanyang pinagawa, sinabi ni Dr. RFD na kalahating milyon ang aabutin ng pinagawa niya. Sa susunod na pagbabalik ni Vice sa clinic ay gagawin naman ang ibabang ngipin niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel