Rose Vega, pinakita ang screenshot ng message sa kanya sa Ed

Rose Vega, pinakita ang screenshot ng message sa kanya sa Ed

- Naibahagi ni Rose Vega na nakikipag-ugnayan sa kanya ang ex-boyfriend niyang si Ed

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa isang video na naibahagi sa Facebook page ng 90 Day Fiance, makikitang magkasama sina Ed at ang girlfriend nitong si Liz

- Sinabi umano ni Ed na hindi na siya nakikipag-usap kay Rose ngunit pinabulaanan ito ni Rose

- Pinakita niya ang screenshot ng kanilang conversation bilang patunayan ang kanyang sinasabi

Ani Rose Vega, hindi totoo ang sinasabi ni Ed na hindi na ito nakikipag-usap sa kanya. Sa isang video na naibahagi sa Facebook page ng 90 Day Fiance, makikita ang pagkadismaya ng girlfriend ni Ed na si Liz.

Rose Vega, pinakita ang screenshot ng message sa kanya sa Ed
Rose Vega, pinakita ang screenshot ng message sa kanya sa Ed (@rose_vega_official)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Gladys Reyes, hindi tinantanan si Judy Ann Santos sa kanyang hula hoop challenge

Sa pag-uusap nina Liz at Rose, sinabi ni Liz na ayon daw kay Ed ay hindi na sila nagkausap. Pinabulaanan ito ni Rose.

Tha't not true. Because he messaged me and I have {a} screenshot.

Sa pinakitang screenshot ni Rose, makikitang kinumusta siya ni Ed at sinabihang gusto niyang bumalik sa Pilipinas para makita siyang muli. Sagot naman ni Rose pwede naman pumunta si Ed at welcome siya.

Matapos mabasa ni Liz ang screenshot, kinompronta nito si Ed na wala nang naidahilan matapos maglabas ng screenshot si Rose.

Nagbiro pa si Ed bilang tugon sa pagkompronta sa kanya ni Liz

Me no speak English.

Nang tanungin naman si Liz kung ano ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang natuklasan, sinabi niyang napapagod na siya sa kasinungalingan ni Ed.

Si Rosemarie Vega ay 23-anyos at mayroon nang anak na 4 na taong gulang. Sumikat siya sa palabas ng 90 Day Fiancé kung saan nakasama niya ang kanyang ex-boyfriend na si Ed . Kinalaunan ay naglunsad ng sarili niyang YouTube channel si Rose na may pamagat na “Get to know Rosemarie Vega of 90 Days Fiance."

Read also

Pokwang, sa netizen na nagsabing baka gusto lang niyang pakasalan siya ni Lee: "Ngek"

Ibinahagi ni Rose ang isang closet tour dahil na rin sa request ng kanyang mga subscribers. Nilinaw niyang kaunti lamang ang kanyang mga damit na nakalagay sa kanyang dalawang cabinet. Kinaaliwan ang kanyang pagbalik-tanaw sa ilang tagpo sa programang "90 Day Fiancé" kung saan naisuot niya ang ilan sa mga damit na kanyang pinakita. Sa naturang video, pinasalamatan ni Rose ang kanyang mga subscribers at mga viewers dahil sila umano ang dahilan kung paano siya nakakabili ng mga bagay na kanyang gusto.

Nakapanayam ni Toni Gonzaga si Rose. Doon, inamin ni Rose na dala pa rin niya ang umano'y trauma sa nangyari sa kanila ng dating kasintahan na si Ed. Nasa panibagong relasyon siya at isa muling foreigner at aminado siyang may takot siya sa maaring mangyari sa kanila. Gayunpaman, ang prayoridad pa rin talaga ni Rose ay ang kanyang anak na siyang inspirasyon niya upang magkaroon ng maayos na buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel