Gladys Reyes, hindi tinantanan si Judy Ann Santos sa kanyang hula hoop challenge

Gladys Reyes, hindi tinantanan si Judy Ann Santos sa kanyang hula hoop challenge

- Hindi nakaligtas si Judy Ann Santos sa hula hoop challenge sa kanya ni Gladys Reyes

- Sa TikTok video ni Gladys, makikitang hawak niya ang hula hoop habang hinahanap si Juday na tinatakasan na pala umano siya

- Nang kanya itong makita, nagbiro pa si Judy Ann na magpapasampal na lamang umano siya kay Gladys tulad nang sa 'Mara Clara'

- Sa huli ng video, makikitang hindi naman nabigo si Gladys at napasabay niyang mag-hula hoop si Juday

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naaliw ang maraming netizens sa video na ibinahagi ni Gladys Reyes kung saan hinahanap niya si Judy Ann Santos para sa isang 'hula hoop challenge.'

Judy Ann Santos, hindi nakawala sa hula hoop challenge ni Gladys Reyes
Judy Ann Santos and Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa request ng kanilang fans na sana'y makasabay si Juday sa sinasabing 'hula hoop expert' na si Gladys.

Read also

Rose Vega, pinakita ang screenshot ng message sa kanya sa Ed

At nang dumalo nga si Gladys at kanyang mga anak sa birthday party ng bunso nina Judy Ann at Ryan Agoncillo na si Luna, hinamon niya ito sa naturang challenge.

"Pwede bang sampalin mo nalang ako," pabirong sabi ni Judy Ann. Matatandaang sa hit teleserye nila noong 90's na 'Mara Clara,' ito umano ang madalas na gawin sa kanya ni Gladys.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sawa na sila 'dun," natatawang sagot ni Gladys sa kanya.

Sa huli, kumasa naman si Judy Ann sa naturang challenge. Makikitang nakakasabay naman talaga ito sa husay ng pag-hula hoop ni Gladys.

Narito ang kabuuan ng video:

Sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes ang orihinal na gumanap bilang 'Mara Clara' sa patok na teleseryeng sinubaybayan noong dekada nobenta. Sa naturang teleserye rin nakilala ni Gladys ang kanyang mister na si Christopher Roxas at biniyayaan sila ng apat na mga anak.

Read also

Alex Gonzaga kinaaliwan sa kanyang "Scarlet Belo’s mommy for a day" video

Sa unang naiulat ng KAMI, Nagbahagi pa rin siya ng ilang mga netizens ang kanilang tips para sa lasting relationship.

Masasabing tunay na nakaka-inspire ang kanilang love story dahil sa kabila ng mga showbiz couples na naghihiwalay, sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag sa mga pagsubok ng kanilang pagsasama.

Sa ngayon, abala pa rin sila ng kani-kanilang mga negosyo na labis nilang pinagpapasalamat lalo na sa kasagsagan ng 2022.

Bukod dito, marami rin ang natutuwa sa mga TikTok videos ni Gladys dahil sa husay nito sa pag-hula hoop.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel