Pokwang, sa netizen na nagsabing baka gusto lang niyang pakasalan siya ni Lee: "Ngek"

Pokwang, sa netizen na nagsabing baka gusto lang niyang pakasalan siya ni Lee: "Ngek"

- Nag-post si Lee O'Brian ng picture nila ng kanyang anak na si Malia O'Brian

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kuha ito sa Solaire kung saan nanood silang mag-ama ng Disney In Concert

- Isang Instagram user ang nagkomento at nagmungkahi na pakasalan umano ni Lee si Pokwang at baka iyon lang umano ang hinihintay niya

- Sinagot naman siya ni Pokwang ng "Ngek" kalakip ng mga emoji na nakatawa

Sinagot ni Pokwang ang isang netizen na nagkomento sa post ni Lee O'Brian. Nagmungkahi ang netizen na pakasalan umano ni Lee si Pokwang at baka iyon lang umano ang hinihintay niya.

Pokwang, sa netizen na nagsabing baka gusto lang niyang pakasalan siya ni Lee: "Ngek"
Pokwang, sa netizen na nagsabing baka gusto lang niyang pakasalan siya ni Lee: "Ngek" (@itspokwang27)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, hiling niyang magkabalikan sina Lee at Pokwang.

Wish you n pokwang will get together soon again, why don't youarry her maybe that's what she's waiting for.

Read also

Xian Gaza, pinabulaanang klepto siya; "That's not me, 100% fake news"

Sinagot naman siya ni Pokwang ng "Ngek" kalakip ng mga emoji na nakatawa.

Pokwang, sa netizen na nagsabing baka gusto lang niyang pakasalan siya ni Lee: "Ngek"
Pokwang, sa netizen na nagsabing baka gusto lang niyang pakasalan siya ni Lee: "Ngek" (@leeobrian)
Source: Instagram

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel