Mga suki ng ukay-ukay, limpak-limpak na pera ang nakikitang nakasuksok sa mga damit

Mga suki ng ukay-ukay, limpak-limpak na pera ang nakikitang nakasuksok sa mga damit

- Patok sa mga Pinoy ang pagbili ng mga murang damit sa ukay-ukay

- Bukod sa murang tinda, may nakukuhang cash din ang mga tao rito

- Ang isa nga ay nakakuha pa ng 6,000,000 Argentine pesos

- May tindera rin na nakakuha ng halos P5,000 sa mga bulsa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming mga Pinoy nga ang laging bumibili sa ukay-ukay para sunod pa rin sa trending fashion at swak pa sa budget.

Nalaman ng KAMI na hindi lang murang damit ang makikita sa ukay-ukay, kundi pera na rin!

Ibinahagi ng mga Pinoy ang kanilang naging experience sa pagkita ng pera na nakasuksok sa mga damit.

Kwento ni Sandie Peteros, nang bumili siya ng jacket, may nakita siyang 100 Hong Kong dollars dito. Pinapalitan niya ito sa foreign exchange at nakakuha ng P650.

Si Lorevie Ricafort naman ay isang online seller ng ukay-ukay sa Lapu-Lapu City. Bawat bundle na matatanggap niya ay may nakukuha siyang Yuan o US dollars dito.

Ang pinakamalaki niya raw na halagang nakita ay 600-700 Yuan o P5,000.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang isang ukay-ukay owner naman na si Badang ay madalas ding makakita ng pera sa mga paninda niya.

Isang araw, nakakuha nga siya sa bulsa ng tinda niya ng 6,000,000 Argentinian pesos. Kung ipapapalit ito sa Philippine peso ngayon, aabot ito ng mahigit 5.5 million.

Subalit, kahit totoo nga ang pera, matagal na raw itinigil ang sirkulasyon nito dahil ang pera na ito ay hindi na umiikot sa merkado.

Kaya naman, hindi rin niya napapalitan ito ng Philippine peso. Kung sakaling napapalitan niya raw ito, plano niya raw sanang magpatayo ng bahay at tulungan ang mga kapitbahay niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel