Netizens, naasar sa top 1 huthutera raw ng taon! Mag-utol na balikbayan, tinuhog

Netizens, naasar sa top 1 huthutera raw ng taon! Mag-utol na balikbayan, tinuhog

- Talagang bumuhos ang inis sa social media para sa isang dalaga na tinaguriang "huthutera ng taon"

- Ito ay matapos ireklamo ng magkapatid na balikbayan dahil sa panggagamit at pangloloko raw nito sa kanyang fiancé na kapatid pala ng kanyang ex-BF

- Maging si Raffy Tulfo, hindi naiwasang makapagsalita laban sa babaeng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos ang inis sa social media para sa dalagang si Glaiza "Zia" Padrones, 25-anyos, na tinaguriang "huthutera ng taon" ng mga netizens.

Ito ay matapos idulog ng magkapatid na Oliver at Mark Anthony Olivenza ang reklamo laban kay Padrones na bigla na lamang daw umatras sa kasal nila ni Oliver.

Ang masaklap dito, umabot na sa halos apat na milyong piso na ang "nahuthot" ng dalaga mula kay Oliver!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Tila kaduda-duda rin daw ang intensyon ni Padrones kay Oliver lalo pa at wala itong ipinakitang "sweetness" kay Oliver sa kabila ng kanilang relasyon.

Hinala ng magkapatid na Olivenza, may ibang karelasyon ang dalaga lalo pa ito pala ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Mark Anthony noon.

Hindi rin daw pumapayag ang dalaga na magkasolo sila ni Oliver sa isang lugar at hindi pa siya nakakapunta sa apartment na tinitirahan ni Padrones kahit pa nga siya naman ang nagbabayad nito.

Gusto na lang sanang mabawi ni Oliver ang mga perang naibigay niya kay Padrones na nakalaan daw sana sa kanyang bakasyon sa Pilipinas.

Kinausap na rin daw nila ng maayos ang dalaga ngunit nagmatigas itong makipag-areglo na lamang.

Hindi rin naiwasan ni Raffy Tulfo ang makapagbitiw ng masakit na salita laban sa babae lalo pa nang marinig ang mga ginawa nito kay Oliver.

Napag-alaman kasi na nag-da-dialysis ito dahil sa mga sakit at komplikasyon.

Dahil dito, nangako ng tulong si idol Raffy sa magkapatid. Naka-post na rin sa mga social media accounts ng Raffy Tulfo in Action ang mukha at impormasyon ni Padrones maging ng pamilya nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Robin Padilla Defends Mariel Rodriguez

Having Baby In The US This issue has caused a lot of controversy on social media. And this is what Robin Padilla has to say to critics. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel