Misis, naka-schedule kay kabit tuwing weekend; weekdays naman kay mister

Misis, naka-schedule kay kabit tuwing weekend; weekdays naman kay mister

- Galit na galit na pinagmumura ni mister ang kalaguyo ng kanyang misis on-air dahil sa tindi ng sama ng loob nito

- Inireklamo kasi nito at ng isa sa kanilang mga anak ang salawahang misis na may-schedule pa raw kada linggo

- Binantaan pa raw ni kabit si mister na manghihiram siya ng mukha sa aso kapag nagkita sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis-labis ang sama ng loob ng mister na si Allan Corañez dahil sa kanyang misis na si Cristina Corañez at sa kalaguyo nito na si Alvin Baylon.

Galit na galit na pinagmumura ni mister si kabit on-air sa programang Wanted sa Radyo matapos idulog ng anak nila ni Cristina na si Abegail ang kanilang problema sa kanilang "ilaw ng tahanan".

Ayon kay Abegail, mayroon pang schedule ang kanilang ina, nasa bahay nila ang ginang mula Lunes hanggang Biyernes at aalis tuwing Sabado hanggang Linggo para raw pumunta kay kabit.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Makailang-beses na rin daw nilang pinatawad ang kanilang ina ngunit umaalis pa rin daw ito sa kanilang bahay para puntahan si Alvin.

Ayon naman kay mister, dati raw na nagpakilala si Alvin bilang ahente sa bangko at huli na nang madiskubre niya na mayroon na pala itong relasyon sa kanyang misis.

Giit pa ni Allan, binantaan pa raw siya nito na manghihiram siya ng mukha sa aso kapag nagkita sila.

Hindi rin nito matanggap ang mga nabasang palitan ng mensahe nito at ng kanyang asawa.

Depensa naman ni Alvin, nagka-develop-an lang daw sila ni Cristina. Hindi rin daw totoo na tuwing weekend ay sa kanya tumutuloy ang ginang, bagamat inamin nito na pumupunta nga ito sa kanya.

Sabi naman ni Cristina, nagkaroon na sila ng kasunduan ng mister kaugnay nito.

Pero ayon kay Allan, pinabalik niya ito sa kanilang bahay para na rin maayos ang kanilang pamilya ngunit bigo ito dahil hindi naman daw nagtatagal ay pinupuntahan pa rin ni misis ang kabit nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel