Raffy Tulfo, nanggalaiti sa Grab driver na nang-iwan sa partner na may karamdaman

Raffy Tulfo, nanggalaiti sa Grab driver na nang-iwan sa partner na may karamdaman

- Di napigilang magalit ni Raffy Tulfo sa inireklamong Grab driver ng partner nito

- Aminado ang babae na dumaraan siya sa matinding depresyon dahilan para raw iwan siya ng dating live-in partner

- Nakumbinsi ni Tulfo ang lalaki na makipagkita at makipag-usap sa babae para na rin maibsan ang labis nitong pag-iisip sa dating kinakasama na mahal na mahal pa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naiwasang manggalaiti sa galit ng sikat ng host na si Raffy Tulfo sa Grab driver na inireklamo ng kanyang dating ka-live in.

Sa episode na ito ng Raffy Tulfo in Action, dumulog ang babaeng si Jeanne De Vera kay Idol Raffy dahil sa iniwan umano siya ng dating ka-live-in partner.

Aminado naman si Jeanne na dumadaan siya sa matinding depresyon dala na rin ng pag-iwan ng kanyang kasingtahang si Michael Baniqued.

Kwento ni Jeanne, halos isang buwan na raw siya sa ospital ngunit di manlang siya nagawang dalawin ni Michael.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang kausapin ni Idol Raffy si Michael sa telepono, di nito napigilang magalit sa lalaki sa mga katwiran nito kumbakit niya iniwan ang babae.

Hindi umano natanggap ng host ang mga dahilan ni Michael.

Maling-mali raw na iiniwan ng lalaki si Jeanne sa panahong kailangang-kailangan siya nito.

May anak din kasi sina Michael at Jeanne na sana raw ay maging sapat na dahilan para di iwan ng lalaki ang ina ng kanyang anak.

Pinakiusapan ng host ang Grab driver na puntahan sa lalong madaling panahon ang partner ngunit sinabi nitong nasa biyahe siya patungong Baguio dahil arkilado na siya bilang driver ng isang pamilyang papunta roon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito lalong nag-iba ang timpla ni Idol Raffy dahil sa pagdududa nito sa dahilan ng lalaki.

Dala ng pagmamalasakit ng programa sa babaeng di biro ang pinagdaraanan, siniguro nila na pupuntahan ni Michael ang kanyang mag-ina.

Narito ang kabuuan ng video na nakuha ng KAMI mula sa YouTube:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel