Raffy Tulfo, 'di kineri ang kakaibang trip ng mag-asawang inireklamo ng 1 babae

Raffy Tulfo, 'di kineri ang kakaibang trip ng mag-asawang inireklamo ng 1 babae

-Napainom ng tubig si Raffy Tulfo matapos marinig ang kakaibang trip ng mag-asawang inirereklamo ng isang babae

-Hindi na rin kinaya ng babae ang mga pinagagawa sa kanya ng mag-asawa kaya humingi na ito ng tulong

-Mariin naman itong itinanggi ng lalaki at sinabi na may relasyon sila ng complainant at nahuli lamang sila ng asawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi kinaya ni Raffy Tulfo ang kakaibang trip ng mag-asawang inireklamo ng kanyang complainant sa programang Wanted sa Radyo.

Idinulog ni Anigay Bubila ang kanyang hinaing laban sa mag-asawang Ronaldo at Jenny Daño dahil hindi na raw niya kaya ang pinagagawa ng mga ito sa kanya.

Pinagkatiwalaan pa man din daw niya ito dahil itinuring itong mga kaibigan ng kanyang kinakasama.

Kwento nito, nilasing daw siya ng dalawa kasama ng iba pang mga kaibigan ng mga ito.

Pagkatapos ay pinilit umano siyang patulugin sa bahay ng mga ito. Dahil tiwala ito noong una ay sumang-ayon na rin daw siya.

Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang kahalayang ginawa sa kanya ng dalawa. Pinilit umano siyang makipagtalik ni Ronaldo at pumayag naman ang misis nito.

Katunayan ay ito pa nga daw ang kumuha ng video nilang dalawa.

Doon na umano nagsimula ang panggigipit ng mga ito sa kanya. Binantaan pa umano siyang ipapakalat ang kanilang video at ipapaalam ang nangyari sa kanyang kinakasama.

Ilang beses na rin daw may nangyari sa kanila kaya naman ilang video na rin daw ang hawak ng mga ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang hindi na kinaya ay inireklamo na niya ang mga ito sa barangay ngunit napagkaisahan umano siya roon dahil kamag-anak umano ng mga ito ang naroon.

Mariin naman itong itinanggi ni Ronaldo nang makausap ni Tulfo sa programa. Depensa nito, may relasyon daw sila ni Anigay at ang video na sinasabi nito ay kuha ng kanyang misis bilang ebidensiya umano laban sa kanila.

Hindi naman nakumbinsi si Tulfo ng mga pahayag nito lalo pa at ilang video na pala ang mayroon sila.

Hinala ni Anigay, maaaring ginagamit ng mag-asawa ang mga video na kinukuha ng mga ito upang ibenta sa mga dayuhan.

Wala raw kasing trabaho ang dalawa at sinabi raw ni Jenny na may mga dayuhang nagpapadala sa kanila ng pera.

Agad din itong ikinonsulta ni idol Raffy sa isang abogado. Ayon sa abogado, posible umanong kasuhan ang mag-asawa lalo pa at pumalag na ang biktima ng mga ito.

Nakatakda namang humarap ang mag-asawa sa programa para raw linisin ang kanilang mga pangalan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel