Mister at kabit nito, magtiyuhin ayon kay misis na 'di na makatiis

Mister at kabit nito, magtiyuhin ayon kay misis na 'di na makatiis

- Hindi na kinaya pa ng isang ginang ang panloloko sa kanya ng kanyang mister na ilang beses na raw nambabae

- At ang latest ni mister, mismong pamangkin pala nito na nabuntis pa nito

- Kaya naman nanindigan na si misis na ipakulong ito, kasama na ang kabit ni lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Puno na ang salop! Hindi na kinaya pa ng ginang na si Jennifer Cayetano ang pangloloko ng kanyang mister na si Jeffrey Cayetano.

Bukod kasi sa kulang na sustento, ilang beses na rin daw itong nambabae at nagkaroon ng kabit!

At ang latest ni mister, napag-alamang pamangkin pa pala nito na kinilalang si Heidi Buenaventura.

Sabi pa ni misis, may schedule sila ni kabit tuwing linggo. Miyerkules hanggang Sabado ay kay legit ito habang mula Linggo hanggang Martes naman ay nasa kabit ito.

Problema pa ni misis ang kanyang sakit na goiter kung kaya naman hindi siya makapagtrabaho.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nang makausap naman ni Raffy Tulfo si Jeffrey, hindi na nito itinanggi pa na mayroon nga itong relasyon kay Buenaventura at nabuntis ito.

Itinanggi naman nito na pinababayaan niya ang kanilang pamilya.

Sinubukan pang kausapin ni mister ang asawa sa telepono ngunit nagmatigas na si misis na ipakulong ito kasama ang kabit nito.

Habang ang karamdaman naman ni Jennifer ay ipagagamot na ni idol Raffy at nangako pang susustentuhan ang pamilya nito habang naghahanap ito ng trabaho pagkagaling nito.

Matapos ang reklamo, napag-alamang ang mga kapatid pa pala ni Jeffrey ang kasama ni Jennifer na magreklamo sa programa. Hindi raw kinukunsinti ng mga ito ang maling gawain ng kapatid.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa pang misis ang hindi na kinaya pa ang kanyang babaerong mister. Maging si idol Raffy nais nang ipakulong ang lalaki!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel