Nagpakilalang apo ni Henry Sy, inireklamo ng mga babaeng niloko at pinerahan

Nagpakilalang apo ni Henry Sy, inireklamo ng mga babaeng niloko at pinerahan

- Hindi sukat-akalain ng isang babae na ang inakalang "Mr. Right" ay ginamit pa siya sa pangloloko ng ibang babae

- Habang ang isa pang babae na jowa din pala nito ay nahuthutan na rin nito ng malaking halaga

- Sabi pa ng isa sa mga complainant, nagpakilala pa raw itong apo ni Henry Sy na itinuring na pinakamayamang businessman sa bansa sa matagal na panahon noong buhay pa ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wais at sigurista ang isang lalaking inirereklamo ng dalawang babaeng ginamit at pinerahan nito.

Ayon sa complainant na si Mazeni Ortega, nagpakilalang doktor at apo ng yumaong business tycoon na si Henry Sy ang nakarelasyong si Matthew Sy.

Sa programangWanted sa Radyo, ibinunyag ni Ortega ang modus ng lalaki na ginamit pa raw siya para tumanggap ng pera.

Sabi raw nito ay galing lamang sa tiyahin nito na nasa Lebanon ang perang kanyang tinatanggap ngunit nagduda rin sa huli dahil sa apelyido ng babae.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon na umano siya na-imbestiga at napag-alamang ang babaeng nagpapadala rito ng pera ay isa pang GF ng lalaki na si Jiwani, isang OFW sa Lebanon.

Ayon naman sa OFW, nadala siya sa mga pangako ng salarin na magtatayo sila ng business sa Pinas.

Tiwala rin siya dito dahil madalas niya itong nakakausap at kilala rin daw ng kanyang mga kaibigan.

Sa tulong ng programa ay nabigyan ng babala ang iba pang kababaihan laban sa lalaki.

Ngunit base sa sinabi ng abogado na nakausap ni Raffy Tulfo, may pananagutan rin si Ortega sa batas lalo pa at pangalan niya ang ginamit para tumanggap ng pera.

Ngunit giit niya, biktima rin siya ng panloloko. Wala na itong nagawa kun'di ang manawagan sa kinakasama na lumantad na para ibalik ang mga pera nahuthot umano nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel