Pagwawala ng isang customer na biglang naduwag dahil sa ginawa ng sekyu, sapul sa video

Pagwawala ng isang customer na biglang naduwag dahil sa ginawa ng sekyu, sapul sa video

- Mabilis na nag-viral ang video ng isang babaeng pasigaw na nagrereklamo sa isang fast food

- Dumagdag pa sa nangyari ang di inaasahang pang-iinsulto niya sa security guard na nakaalalay lamang sa sitwasyon ng customer at manager

- Inulan ng iba't-ibang reaksyon ang pangyayari dahil sa dami na ng naganap sa video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nag-viral ang video na binahagi ni Jessica H. Bo kung saan nakunan ang di umano'y pagwawala ng isang babaeng customer sa isang fast food sa Valenzuela.

Giit ng galit na customer, wala pa ang kanyang order na sinabing 5 minuto lamang ang hihintayin nito bago ito mai-serve.

May pagkain na ang kanyang mga kasama habang siya ay wala pa.

Dalawang manager na ng fast food ang humarap sa kanya ngunit di pa rin ito tumigil sa pagsigaw.

Hanggang sa namagitan na ang mga security guards ng establisyemento.

Isa sa mga guwardiya at lumapit na mismo sa babae dahil sinabi mismo ng manager na paalisin na ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Hindi pa rin natinag ang nanggagalaiti sa galit na customer at pati ang guwardiya na umaawat sa kanila at nagawa niyang insultuhin nang di inaasahan.

Nabitawan niya ang mga salitang "sino ka ba? guwardiya ka lang!" "Ikaw ba nagpapakain sakin?" na tila ikinasama ng loob ng sekyu.

Biglang nabago ang ihip ng hangin nang pasugod na sana ang guwardiya ay biglang nawala ang angas ng babae. Sa takot marahil nito na patulan siya ng guwardiya dahil sa mga binitawan niyang salita, panay na ang sorry ng customer na nagwala.

Halos maghabulan sila ng guwardiya at nang ma-corner ito, nagmistulang batang sinesermunan ang nagwalang customer.

Sinabihan nito ng guwardiya na kung ano man daw ang pinagdadaanan ng babae ay huwag na sanang idamay pa ang mga tao sa kanyang paligid.

Dahil dito, inulan ng iba't-ibang reaksyon ang video sa kung sino ang nakagawa ng mali at tama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga maiinit na komento ng netizens:

"Mali nga si ate pero sana mas inintindi nila yung reklamo ni ate kesa yung pag iiskandalo nya para nanahimik na. Maling mali na pinatulan pa nila."
"Nalipasan ng gutom yan. Lakas tama, sabay sorry na.. hahahaa"
"Sino masusunod? Ikaw ba may ari ? Ilalagay ang kagaspangan sa lugar kung ayaw mo mag hintay sa inyo ka kumain."
"Haha yun lang pero mali nya binastos nya yung guard"
"Tinawanan lang nung manager. Bakit ganon?"
"HAngry na si ate pinatulan niyo pa, sinermunan pa ng guard"
"Lahat sila actually mali. Mali si customer na nagwala. mali si manager na tinawanan pa si customer,mali si guard na pumatol pa sa customer."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel