Transpinay at isa pang pasyente, inireklamo na rin ang doktor na suki ni idol

Transpinay at isa pang pasyente, inireklamo na rin ang doktor na suki ni idol

- Dalawa pang reklamo ang nadagdag laban sa doktor na ilang beses nang inireklamo sa programa ni Raffy Tulfo

- Ayon sa isang transpinay at isa pang pasyente, palpak ang nose job na ginawa sa kanila ng naturang plastic surgeon

- Dahil dito, posibleng maharap muli ito sa mga panibagong kaso maliban pa sa kaso ng panggugulo sa dati nitong nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila may madadagdag sa kaso ng plastic surgeon na si Dr. Khaimar Jumdain matapos na ireklamo na rin ito ng dalawang naging pasyente pa nito.

Ang transpinay na si Princess Palmeros ay idinulog na rin ang palpak na nose job na isinagawa daw sa kanya ni Dr. Jumdain.

Aniya, naisangguni na niya ito sa doktor at maayos naman daw na kinausap siya nito ngunit hindi siya pabor sa nais gawing procedure sa kanya ni Jumdain.

Nilinaw rin nito na bagamat maayos itong tignan sa labas ay may nabuong nana sa loob ng kanyang ilong.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Gusto lang naman daw niya na maibalik sa kanya ang perang ibinayad niya para sa nose job para maipagawa ito sa iba.

Pero dahil wala siyang hawak na medical certificate na magpapatunay sa kanyang reklamo, nangako ng tulong si Raffy Tulfo para makapagpatingin ito sa ibang doktor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit kung ito ay hindi handa, isa pang pasyente ni dok ang lumitaw at ang reklamo nito ay kapareho rin ng kay Princess.

Anito, mayroon itong hawak na dokumento na magpapatunay na palpak ang nose job na ginawa ni Jumdain sa kanya.

Matatandaang dati nang inireklamo si Dr. Jumdain sa programang Wanted sa Radyo, at na-dismiss sa pagiging Major dahil dito.

Kamakailan lamang ay inireklamo muli ito ng dating nitong pasyente na naging nobya nito ng panggugulo, na una nang naibalita ng KAMI.

Samantala sa iba pang ulat ng KAMI, isang kontrobersyal na social media post ang nakarating kay idol Raffy kung saan sangkot ang kanyang team at diumano'y si Jumdain ang pinagmulan ng post.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel