Pinapili ni idol si mister at kabit, uwi sa Pinas o deport at kulong

Pinapili ni idol si mister at kabit, uwi sa Pinas o deport at kulong

- Matapos mabuking ni misis ang kanyang mister at ang babaeng nakarelasyon nito ay idinulog nito ang reklamo kay Raffy Tulfo

- Ayon kay legit, dati nang itinanggi ng kanyang mister ang relasyon sa babaeng nakarelasyon nito sa ibang bansa ngunit nagkaanak pala ang mga ito

- Kaya naman nais nito na pauwiin ang dalawa na parehong nasa Saudi sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinapili ni Raffy Tulfo ang mga OFW na sina Arnold Caberte at Ferlyn Gumabon, na parehong nasa Riyadh, Saudi Arabia ngayon, kung uuwi ang mga ito ng kusa o ipapadeport ito mula roon.

Ito ay matapos na idulog ng misis ni Arnold na si Imelda Caberte ang reklamo ng pangangaliwa nito sa programang Wanted sa Radyo.

Nais daw ni misis na mapauwi ang dalawa na nadiskubre niyang nagkaroon pa pala ng anak.

Giit ni Imelda, matagal na niyang alam na mayroong relasyon ang dalawa ngunit muling bumalik sa kanya ang asawa at nakipagbalikan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Itinanggi na raw ito noong una ni Arnold ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nabuntis pa pala ng mister si Ferlyn.

Ngunit ang mas nagtulak daw sa kanya na ireklamo ang mga ito ay ang tila pang-aasar pa ni Ferlyn sa kanya.

Itinanggi naman ito ng inireklamong OFW at sinabing hindi niya kailanman ginulo ang misis ng nakarelasyon.

Sinabi rin nito na wala na silang relasyon ni Arnold.

Iginiit pa ni Ferlyn na nagkaroon din ng relasyon sa iba si Imelda na hindi naman nito itinanggi. Ayon kay Imelda, nagkaroon siya ng ibang karelasyon noong hiwalay sila ng mister.

Ganunpaman, dahil sa pagkakaroon ng matibay na ebidensiya laban kay Arnold at Ferlyn ay posibleng makulong ang dalawa.

Sa huli, nagkasundo ang bawat panig na maghaharap sa Oktubre.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel