Pinay, inireklamo ng ex na Pakistani dahil sa paninira at P3.5M

Pinay, inireklamo ng ex na Pakistani dahil sa paninira at P3.5M

- Masamang-masama ang loob ng isang Pakistani nang idulog kay Raffy Tulfo ang kanyang reklamo laban sa ex-GF niyang Pinay

- Ayon sa dayuhan, naglaho at iniwan na lang siya ng Pinay na nangakong magpapakasal sa kanya

- Umabot na din umano sa P3.5M ang naibigay niya sa dating nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala na raw choice ang Pakistani na si Muhammad Arslan Athar nang idulog nito ang reklamo sa kanyang dating nobya na Pilipina sa programa ni Raffy Tulfo.

Ayon kay Muhammad na isang Pakistani, iniwan siya at naglaho na lamang ng ex na si Rose Corazon Mataac matapos nitong mangako ng kasal sa kanya.

Giit pa nito, siniraan siya ng babae sa iba na labis nitong ikinasama ng loob.

Ngunit bukod dito, napag-alaman naman na umabot na raw sa mahigit tatlong milyong piso ang naibigay ni Muhammad sa babae at sa pamilya nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Maging ang annulment nito sa dati nitong mister ay si Muhammad din ang gumastos.

Pero nang makalaya na ang babae ay nagbago na raw ang isip nito at sinabi pang nais nitong i-enjoy ang "single life" nito, kahit pa nga nangako itong magpapakasal kay Muhammad kapag na-annul na ang kasal nito sa Pinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinunyag din ni Muhammad na bukod sa kanya ay may iba pa umanong lalaki ang niloko si Rose.

Itinanggi naman ito ng Pinay at sinabing nais lamang ng Pakistani na makasal siya dito.

Inamin rin nito na nabigyan siya ng pera ng lalaki dahil may relasyon daw sila nito.

Idinahilan naman nito na nanakit at seloso raw kasi ang dating nobyo kung kaya niya ito hiniwalayan.

Itinanggi naman ito ni Muhammad at sinabing hindi naman siya naghahabol sa babae.

Nais lamang niya na linisin ang kanyang pangalan at para na rin malaman ng iba ang ginawang pangloloko sa kanya ni Rose.

Gusto rin nito na mabawi ang perang ginastos nito sa annulment ni Rose na ibibigay naman daw nito sa charity.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel