Raffy Tulfo, inatras ang tulong sa mister na nagpa-rescue sa kanyang nanay

Raffy Tulfo, inatras ang tulong sa mister na nagpa-rescue sa kanyang nanay

- Agad na pinabalik ni Raffy Tulfo ang dapat sana'y tulong ng mga awtoridad sa mister na diumano'y battered husband

- Ito ay matapos niyang madiskubre na hindi naman pala ito ikinukulong ng misis nito tulad ng sinabi ng nanay ni mister

- Maging ang mga netizens ay hindi rin nagustuhan ang kinahinatnan ng reklamo ni biyenan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Idinulog ni Josefina Santos ang kanyang reklamo laban sa kanyang manugang na si Erica Gomez sa programang Wanted sa Radyo.

Giit ni Josefina, battered husband ang kanyang anak na si Jo Christopher Gomez at ikinukulong daw ni Erica.

Agad namang nagpadala ng tulong si Raffy Tulfo sa bahay nila Jo at Erica sa tulong ng barangay.

Ngunit kinalaunan ay pinaatras din ito ni idol Raffy nang madiskubre na hindi naman pala nakakulong si Jo at nakakalabas naman ng bahay.

Bukod rito, ay nagkaharap-harap na pala ang mag-asawa sa barangay sa kanilang lugar at maging sa harap ng mga pulis.

Ayon naman kay Erica, bagamat nasasaktan niya ang mister ay dahil sa labis na sama ng loob din dito.

Inakusahan din ni Erica ng pangbababae ang mister at pananakit.

Ngunit naging mainit na rin ang sagutan ng mag-biyenan na Erica at Josefina.

Mariin ding sinabi ni Erica na kaya hindi niya pinapayagang umalis ang mister ay dahil sa dami ng kanilang obligasyong mag-asawa dahil sa kanilang mga bayarin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Dahil dito, nagkasundo-sundo na ang mga ito na magharap-harap sa barangay.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

"Mahirap iwork out Ang isang relasyon kung walang respeto sa isat Isa.. dagdag pa Ang pakialamerang biyanan."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

"PAKIALAMERANG BYENAN!! sabihan ba naman ang manugang bat hindi ka pa mamatay jusmeyo ka po toxic ka masyado sa mag asawa."

"Sir idol tulfo sana yung babae tulungan niu makasampa sa asawa niang babaero at isa pa maganda marinig live yung voice recording ng mag ina msakit yun mrining ng babae."

"ang may problema jan yung lalaking anak nya sampung taon na cla nagsasama hindi pa nya magawang sustentohan ng maayos yng sarili nyang pamilya kaya stress na stress na yang babaeng asawa nya dhil sa pgiging palaasa sa nanay nya financially.. hayyyysss! iresponsableng lalaki!"

"Sir Raffy kahit naman sinong babae, kung nagloloko ang lalaki at nahuli nya talagang makakapanakit ng asawa."

"Bugok na biyenan at bonjing na anak ang liit ng problema pupunta pa kay tulfo, pwede naman dumeretso sa brgy, vawc at police station."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognise Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and ask people if they can recognise them – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel