Huli cam! Akyat-bahay, nag-sign of the cross muna bago manloob sa isang bahay

Huli cam! Akyat-bahay, nag-sign of the cross muna bago manloob sa isang bahay

-Nag-sign of the cross muna ang isang akyat-bahay bago ito tuluyang nagtangkang magnakaw sa isang bahay

-Sa pamamagitan ng kuha ng CCTV, kita pa kung paano ito umakyat-akyat sa loob ng bakuran at maging sa loob ng bahay

-Ngunit ayon naman sa uploader walang nawala sa bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasapul ng mga CCTV ang isang lalaki nang manloob ito sa isang bahay sa Tayabas City sa Quezon.

Ang salarin, nahuli pang nag-sign of the cross bago nito isinagawa ang plano.

Sa ulat ni Susan Enriquez ng GMA News, makikita ang lalaki na tila nagbabantay sa labas ng isang bahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maya-maya pa ay ipinarada na nito ang motorsiklo sa isang lugar at tsaka nagsimula sa kanyang plano.

Pagkatapos umakyat sa bakod ay nag-sign of the cross pa ito.

Nag-ikot-ikot ito sa isang bahagi ng bakuran at binasag pa ang salamin ng isang SUV.

Matapos nito ay bumalik ito sa unang lugar kung saan ito dumaan noong una at tsaka nag-sign of the cross muli.

Bago tuluyang inakyat ang mga pader patungo sa loob ng bahay.

Ngunit ayon din sa ulat, sinabi ng uploader na wala namang nawala sa bahay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel