Wedding coordinator, ginawang bangungot ang dream wedding ni bride

Wedding coordinator, ginawang bangungot ang dream wedding ni bride

- Isang dream wedding sana ang nauwi sa bangungot matapos maloko ang isang bride ng kanyang wedding coordinator

- Mahigit sa 100k ang binayad nila pero napahiya lamang ang bride sa araw ng kasal niya

- Nanggigil ang maraming netizens sa nakakalungkot na sinapit ng bride

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bagong kasal na si Ruby Rubillos, 32 anyos, teacher sa Taguig, ang dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' para ireklamo ang kinuha niyang wedding coordinator na si Ma. Eliza Cabeso, 50 anyos.

Nalaman ng KAMI na nagtiwala si Ruby kay Eliza dahil ni-refer ito ng kanyang kapatid pero hindi niya akalain na maloloko lang pala sila.

Nagbayad sila kay Eliza ng mahigit 100k pero nagmistulang children's party ang kanyang dream wedding.

Simula sa catering na 150 pax ang napag-usapan pero 100 pax lang ang napakain sa in-order ni Eliza kaya naman marami ang hindi nakakain sa araw ng wedding.

Yung pagkain daw na na-serve sa araw ng kasal ay ibang-iba sa menu na nasa contract nila. Sobrang panget daw nito at halos hindi makain ni Ruby.

Late rin daw dumating ang hair and makeup team na mag-aayos sa kanila at hindi rin nasakyan ang bridal car na kasama sa package.

Dahil sa late ng lahat ang inayusan ay wala ng naganap na pictorial.

Wala rin daw silang videographer dahil photographer lang ang kinuha ni Eliza na lingid sa kaalaman ng bride.

Hindi rin binayaran ni Eliza ang catering na kinuha niya at bagkus ay nag-iwan lang siya ng gadget kapalit ng dapat ay cash payment.

Ang masaklap pa, handa na sanang patawarin ni Ruby si Eliza pero nang matapos ang wedding ay sinisingil pa siya nito ng kabayaran para raw sa 287 pax na pinakain daw sa wedding, samantalang mismong catering na ang nagsabi na good for 100 pax lang ang in-order sa kanila.

Galit na galit naman si Idol Raffy sa nangyari at nangakong tutulungan si Ruby sa kanyang reklamo.

Watch the video below:

Na-high blood talaga ang maraming netizens sa wedding coordinator at nagbigay ng kani-kanyang opinyon ukol dito.

"Si wedding coordinator pa ang mayabang! You better have all documents to defend yourself as no bride would want a wedding nightmare created by coordinator."
"Grabe ang Kapal ng Mukha nitong Babae... May mga ganyang tao talaga.. Siya pa ang mayabang.. Haaaay nkka high blood.. PROFESSIONAL MANLOLOKO yan!"
"100k? dapat bongga. Kahit nga 40k medjo maganda na. Kawawa si ate."
"one in a lifetime Lang Ang kasal tapos bababoyin mo pa. karmahin ka sana"
"ramdam ko ung galit ni sir raffy... ako din napipikon na..."
"I can't wait to see a video of her in jail."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, nagsalita na si Raffy Tulfo tungkol sa anak niya kay Licup at iba pang matinding pasabog.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy the Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel