3 batang naglalaro sa kalsada, halos mahagip na ng mga rumaragasang sasakyan

3 batang naglalaro sa kalsada, halos mahagip na ng mga rumaragasang sasakyan

- Walang pakialam ang mga mga batang naglalaro sa may kahabaan ng España sa Maynila

- Nag-wrestling, naghaharutan at nagawa pang iwasiwas ang isa nilang kasama na halos dumaplis na sa mga dumaraang sasakyan

- Makailang beses nang nailagak ang mga batang ito sa DSWD ngunit pilit na bumabalik pa rin sila sa España

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang di nagpakilalang netizen ang nagbahagi ng video ng tatlong batang nagawa pang maghamag sa kalye ng España sa Maynila.

Ayon sa GMA news, tila ginawang ring ng mga batang ito ang boulevard na sakop ng Bgy. 512, Zone 51 nang walang takot na nagre-wrestling habang rumaragasa ang mga sasakyan.

Makikitang ang pinakamaliit na bata na nakisuntok lamang ang napagdiskitahan ng dalawa pang mga bata. Binuhat nila ito at saka winasiwas na halos mahagip na ng mga dumaraang sasakyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na edad 8 hanggang 10 taong gulang ang mga batang ito. Ang pinakamaliit na bata sa video ay nadatnang nilang natutulog na sa pagod.

Nakausap ng GMA news team ang iba pang kasamang bata ng tatlo. Ayon sa binatilyo nilang kasama, sinusubukan nilang sawayin ang mga bata ngunit di naman ito sumusunod sa kanila. Bagkus, mumurahin pa raw sila ng mga ito.

Samantala, makailang beses na raw nailagak ang mga ito sa DSWD ngunit pilit na bumabalik pa rin ang mga ito sa España.

Dahil dito, nakatutok naman ang mga cctv ng barangay, lalo pa at ang mga batang ito rin ang tinuturong nangunguha, nanghihingi ng pera at pag di napagbigyan ay nananakit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel