"Killer maid" na nagnanakaw at pumatay pa ng anak ng amo, timbog matapos ang dalawang taon

"Killer maid" na nagnanakaw at pumatay pa ng anak ng amo, timbog matapos ang dalawang taon

- Makalipas ang dalawang taon, nahuli na ang tinaguriang "killer maid" ng Baguio city

- Modus daw umano ng namamasukang katulong na ito na pagnakawan ang mga pinanasukan saka aalis

- Ngunit ang malala, nagawa pa nitong patayin ang 15 anyos na anak ng kanyang amo na nakahuli di umano sa kanyang nagnanakaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang taon ding pinaghahanap ng awtoridad ang tinaguriang "killer maid" ng Baguio na si Marites Judan.

Ayon sa ABS-CBN news, modus na raw nitong "most wanted" ng Baguio ang magpanggap na namamasukang katulong upang makapagnakaw lamang sa bawat bahay na pinapasukan niya.

Ang malala, nagawa pa nitong patayin ang 15 anyos na si Allery Wagayen, anak ng kanyang amo. Paliwanag ni Marites, kaya lamang daw niya iyon nagawa ay dahil kailangan niya ng pambayad sa renta at iba pang pinagkakagastusan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na kaya nito nagawang patayin ang dalagita dahil nahuli umano nito ang aktong pagnanakaw ni Marites sa kanilang pamilya.

Lakas loob na humingi pa rin ng tawad si Marites ngunit di raw ito basta basta mapapatawad ng pamilya Wagayen. Laking pasalmat naman ng pamilya dahil sa mabibigyang hustisya na ang pagpaslang sa kanilang anak.

Haharap sa patong patong na kaso ng robbery at homicide si Marites.

Upang mapagtibay pa ang iba pang kaso ng pagnanakaw sa "killer maid", iniimbitahan ang iba pang nabiktima ni Marites na magsampa ng kaso sa suspek.

Nasa kustodiya na ng Baaguio city pulis si Marites na handa nang pagbayaran ang mga nagawang kasalanan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel