Malaswang usapan ni mister at kabit, nabuking ni misis!

Malaswang usapan ni mister at kabit, nabuking ni misis!

-Hindi na nakapag-pigil pa si Ira Alfanta na ireklamo ang kanyang asawa na isang OFW

-Hindi raw kasi sapat ang sustentong ibinibigay nito lalo pa at mayroon na itong ibang karelasyon sa ibang bansa

-Mga malalaswang usapan sa FB ang ginawang ebidensiya ni Misis laban sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gigil na gigil at naiiyak na dumulog sa programang Wanted sa Radyo ang ginang na si Ira Alfanta kaugnay sa pangangaliwa at 'di pagbibigay ng sapat na sustento ng kanyang asawang OFW.

Reklamo ni Ira, hindi na raw sapat sa kanila ang P20,000 na ipinapadala ng asawang si Ritchie Alfanta, lalo pa at nag-aaral ang kanilang mga anak.

Bukod rito, may hinuhulugan silang motorsiklo na kasama rin umano sa kanyang budget.

May iba na rin daw kasi itong karelasyon sa bansang Abu Dhabi kung saan ito nagta-trabaho. Ito ay si Rizza Garchitorena na pamilyado na rin umano.

Dala-dala umano niya ang mga ebidensiya na magpapatunay sa relasyon ng mga ito, kabilang na ang mga palitan ng mga ito ng mensahe sa social media.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makausap naman ni Raffy Tulfo si Garchitorena ay inamin naman nito na nagkaroon nga ito ng relasyon kay Ritchie ngunit tapos na umano ito.

Inireklamo rin nito ang pangha-harass ni Ira sa kanya at sa pamilya niya. Isa na rito ang pag-post ni Ira ng mga malalaswa nilang usapan sa Messenger.

Pinayuhan naman ni Tulfo si Ira na itigil na ito upang hindi magamit laban sa kanya.

Bagamat hindi nakausap ng programa si Ritchie ay na-contact naman nila ang supervisor nito na si Gerald Villamor upang ibigay ang mensahe ni Ira at ni Tulfo.

Binalaan naman ni Tulfo si Garchitorena na iwasan na ang pakiki-apid.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel