OFW na may karelasyong tomboy, ayaw nang balikan si mister

OFW na may karelasyong tomboy, ayaw nang balikan si mister

-Hindi na daw nakakatulog ang mister ng isang OFW matapos nitong malaman na may iba nang karelasyon ang kanyang misis

-Ang masaklap pa ay hindi na ito nakikipag-usap sa kanya at nais na raw na makipaghiwalay sa kanya

-Tahasan namang inamin ng OFW na ayaw na niyang ipagaptuloy ang relasyon sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong ang mister na si Ronnie de Roxas sa programang Wanted sa Radyo upang makausap ang kanyang misis.

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang asawa nito na si Jennylyn de Roxas sa Riyadh, Saudi Arabia.

Giit ni Ronnie, nakikipaghiwalay sa kanya ang asawa dahil may iba na umano itong karelasyon na isang tomboy na nagngangalang MJ.

Tahasan namang inamin ni Jennylyn na gusto na niyang makipaghiwalay sa mister dahil wala na daw siyang nararamdamang pagmamahal dito.

Sinabi rin nitong ka-chat lamang niya ang sinasabi ni Ronnie na karelasyon niya na si MJ at hindi pa sila nagkikita.

Ngunit giit ni Ronnie, may relasyon ang dalawa at may tawagan pa umanong "love".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila naman nairita si Jennylyn sa mister at ayaw nang makipag-usap dito on air. Gusto nito na mag-usap na lamang silang dalawa.

Samantala, binalaan naman ng mga host si Jennylyn sa mga posibleng kaharapin niya sakaling magsampa ng kaso si Ronnie at mapatunayan ito dahil kasal ito sa mister.

Ayaw namang sumuko ni Ronnie at gusto pa rin niyang maayos ang kanilang relasyon lalo na at may tatlo na silang anak.

Gusto na rin nito na mapauwi na lamang ang misis upang bakasakali ay maagapan pa ang unti-unting nasisira nilang samahan.

Nangako naman ng tulong ang programa at idudulog ito sa OWWA.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel