May-ari ng mabahong piggery, inireklamo ng kapitbahay! Raffy Tulfo, tinarayan nito

May-ari ng mabahong piggery, inireklamo ng kapitbahay! Raffy Tulfo, tinarayan nito

-Mabahong babuyan ng kapitbahay ang inirereklamo ng complainant na si Jane Guillermo nang dumulog ito sa Raffy Tulfo in Action

-Higit 10 baboy bukod pa sa mga biik nito ang ang nasa loob lamang ng bakuran ng ginang na inirereklamo

-Ngunit nang kausapin ito ni idol Raffy sa programa kaugnay sa reklamo laban dito nagawa pa nitong magtaray

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nais na maipasara ni Jane Guillermo ang piggery ng kanilang kapitbahay na si Marcelita Tolentino na nasa loob lamang bakuran nito.

Reklamo ni Guillermo, napakabahong amoy mula sa babuyan ni Tolentino ang lubos na nagpapahirap sa kanila.

Mayroon siyang dalawang anak at nagkaroon na umano ang mga ito ng problema sa baga dahil sa araw-araw na naaamoy mula sa piggery.

Inilapit na rin umano niya ito sa Barangay at nagkaroon na ng kasunduang aalisin na ang mga baboy ngunit hindi naman daw ito tinupad ni Tolentino.

Marami na rin umanong mga kapitbahay nila ang nagrereklamo sa mabahong amoy mula sa piggery.

Ngunit nang kausapin ni Raffy Tulfo ang inirereklamong ginang ay tila nagmalaki pa ito at sinabing wala itong pakialam?

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mataray na sinagot nito ang mga paliwanag ni Tulfo kahit pa sinabi na idol Raffy na ipasasara ang babuyan nito.

Kaya naman sa tulong ng Mayor ng Diffun sa Quirino at ilang opisyal ng munisipyo at maging ng Barangay Chairman, agad na pinuntahan ng team ng programa ang bahay ni Tolentino.

Pagdating doon, tanging ang asawa na lamang nito ang humarap sa programa at wala na rin ang mga baboy nito.

Hindi daw alam ni Mister kung saan dinala ng kanyang asawa ang kanilang mga baboy.

Ngunit kahit na wala na ang mga baboy sa lugar ay naroon pa rin ang masangsang na amoy na siyang nagpapahirap sa mga kapitbahay ng mga ito.

Nangako naman ang mister ng inirereklamo na lilinisin nila ang lugar upang mawala na ang amoy.

Bagamat nagkaroon ng konting pagtatalo sa pagitan nito at ng complainant, nagkasundo naman ang mga ito sa huli at nagkapatawaran na rin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel