Kasambahay at GF nito inakusahang magnanakaw; sagot nila: ipa-lie detector kami

Kasambahay at GF nito inakusahang magnanakaw; sagot nila: ipa-lie detector kami

-Mula Davao, lumuwas pa ang magkarelasyong sila Josephine Obligar at Karen Bocol para humingi ng tulong sa Wanted sa Radyo

-Giit nila, kinuha ang mga gamit nila dahil sa pag-aakusa sa kanila ng amo ni Obligar ng pagnanakaw

-Mariing itinanggi ito ni Obligar at sumang-ayon pa sa lie detector test na iminungkahi ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nag-dalawang isip pa ang magkarelasyong sila Josephine Obligar at Karen Bocol na lumuwas mula Davao para humingi ng tulong sa programang Wanted sa Radyo.

Inaakusahan kasi sila ng pagnanakaw ng amo ni Obligar ng halagang P150,000 na mariing naman nilang itinanggi.

Reklamo nila, kinuha pa ang mga personal nilang gamit katulad ng cellphone at wallet.

Ngunit ayon naman sa imbestigador na may hawak ng kaso ng mga ito, gagamitin itong ebidensya laban sa dalawa.

Ang cellphone daw ay nabili nito pagkatapos na mawalan ng pera ang amo nito.

Sinabi ring may testigo na nagngangalang 'Alona' ang nakakita sa dalawa na nagbibilang ng maraming pera at nag-lock pa umano ang mga ito sa kwarto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Itinaggi naman ito ng dalawa at sinabing hindi naka-lock ang kwarto. Ang perang hawak nila ay pera ni Bocol na padala ng ina nito para sa tuition fee ng huli.

Ngunit ang amo ni Obligay na si Rebecca Chang kumbinsidong ang dalawa nga ang kumuha ng nawawalang pera. Iginiit pa nitong nawala sila Obligar at Bocol ng dalawang araw matapos mawala ang pera.

Dahil na rin sa pagtanggi ng mga inaakusahan, hinikayat ni Raffy Tulfo ang dalawa na magpa-lie detector na sinang-ayunan nila.

Iginiit rin ni Tulfo na dapat na sumailalim rin dito ang testigo ni Chang na si Alona na isa ring tauhan sa tindahan ng mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel