Viral video ng service crew na pinahiya at sinabihang "bobo" ng isang kostumer

Viral video ng service crew na pinahiya at sinabihang "bobo" ng isang kostumer

- Trending ngayon ang video ng isang galit na kostumer sa isang fast food chain

- Maririnig sa video na paulit-ulit na sinabihan ng "bobo" ang kawawang service crew

- Umani ito ng maraming galit na reaksyon mula sa netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May kumakalat na video ng isang kostumer na nakunan sa fast food chain. Makikita sa video ang isang lalaki na nagpapakilala na isa raw siyang teacher at galing sa Singapore.

Nalaman ng KAMI na nagalit ang kostumer dahil mababagal daw ang crew sa fast food. Pero ayon sa caption ng video, pumila raw ito sa saradong counter.

Paulit-ulit niyang sinabihan ng "bobo" ang crew at maririnig din na nag-eenglish pa ito. Ayon sa caption, naiyak nalang daw ang crew dahil sa kahihiyan na dinanas nito.

"Guys! pasikatin natin 'to! Grabe! sinabihang bobo at mababagal kumilos yung crew dahil matagal daw sya pagbilhan, kase pumila po sya sa Counter na close kaya nagrereklamong wala daw lumalapit sa kanyang cashier, teacher daw po sya at galing daw po sya sa Singapore kahit ano pa ang katayuan mo sa buhay wala kang karapatang hamakin at laitin ang isang tao.. kawawa naman yung crew naiyak na dahil pinahiya ng baklang 'to!," ang caption sa Facebook post.

Galit na galit talaga ang maraming netizens sa pambabastos na ginawa niya sa video.

Meron pang isang Facebook user na nagsasabi na dati raw nilang teacher ang lalaki sa video kaya hindi na raw siya nagulat sa inasal nito.

"So what kahit saan bansa kapa galing. You have no rights to look down on people. Be polite kung ikaw ay educated."
"Kuyang bakla pakiayos Ayos ng ugali mo ha...ako pagsabihan m ng ganyan tapon ko ang pagkain s mukha mo."
"Aba c kuya ate terno ang ang ugali nya sa mukha nya. Kung ako nlang ang nasa tabi mo nasupalpal kita"
"Hoi matandang bakla na nuknukan ng panget ikaw ang bobo kung anu pangit ng muka mo at boses syang panget ng ugali mo ikaw ang tanga bat pumila k sa close na counter bobo"
"Ateng teacher hinay hinay sa pagtataray sa mga food staff..paniwalaan mo ko teamwork sila magtrabaho Jan..bawat encounter nila n bastos at hinayupak na customer tiyak mageenjoy ka sa pagkain n iseserve sayo..."
"Nakakaloka! Yung teacher natin nung high school Guys viral ngayon. Viral in a salty way Sir Etolle remember? Hay! Well, knowing Him hindi na ‘ko magugulat sa video na ‘to."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel