Pagbagal ng pagproseso ng utak, epekto di umano ng adiksyon sa gadgets

Pagbagal ng pagproseso ng utak, epekto di umano ng adiksyon sa gadgets

- May lumalabas nang ilang pag-aaral na ang labis na pagtutok ng mga bata sa gadgets ay nakaapekto sa kanilang pag-iisip

- Nagiging iritable, kawalan ng pasensya at maging di mahimbing na tulog ang ilan sa epekto pa ng labis na paggamit ng gadgets lalo na sa kabataan

- Humihina rin daw ang bata sa komunikasyon at bumagbagsak ito sa mga reasoning tests

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsagawa ng pagsusuri sa 9 at 10 taong gulang na bata kaugnay sa labis na paggamit na ng mga gadgets lalo na ng mga kabataan ngayon.

Ang paggamit daw nito nang mahigit 7 oras sa isang araw at tinatawag nang electronic screen syndrome ayon sa Psychology today.

Napag-alamang bukod sa epekto nito sa mga mata lalo na nag mga bata, nakaapekto rin ito sa kanilang pag-iisip.

Ayon sa Rappler, sa isinasagawang pagsusuri sa WASHINGTON, DC, USA lumlabas na humihina di umano ang pagproseso ng utak ng mga batang lulong sa gadgets. Nagreresulta daw kasi ito sa kakaibang pagnipis ng cortex, o ang pinakalabas na bahagi ng utak na siyang responsable sa mga sensory messages ng ating katawan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mapapnsing ang batang di na bumitaw sa kanyang gadget ay balisa, iritable, walang focus at maging ang pagtulog ay di na mahimbing.

Maging ang pag-develop ng ibang pag-uugali ng bata ay apektado rin. Tila unti-unti na silang namamanhid at tila wala nang pakialam sa mga nasa paligid nila. Ang malala, dahil nga iritable na sila, maari itong magresulta sa pagiging bayolente ng bata.

Dahil dito, pinapayuhan ng hangga't maari ay huwag munang hayaang gumamit agad ng mga gadgets ang bata na may edad mula 2 taon pababa.

Mainam na mismong ang mga magulang ang mag-control sa oras ng paggamit ng kanilang mga anak ng kani-kanilang mga gadgets.

Bahagi na ito ng kanilang henerasyon at di na ito maaalis sa kanilang sistema. Ngunit, ibayong pag-iingat ang kinakailangan upang mapangalagaan naman ang kalusugan lalo ng mga bata.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Another story of infidelity earns viral thrashing

Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel