Ina, pilit na binawi ang 13 anyos niyang anak na sumama sa 16 taon na nobyo nito

Ina, pilit na binawi ang 13 anyos niyang anak na sumama sa 16 taon na nobyo nito

- Pilit na binawi ng isang ina ang kanyang 13 anyos na anak na sumama sa nobyo nito na 16 taong gulang lamang

- Inamin ng ina na ayaw niyang mgaya ang kanyang anak sa kanyang sinapit kaya gusto niya itong makuhang muli

- Aminado rin ito na di niya ito masyadong nagagabayan dahil sa labis na oras niya sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na dumulog sa progrma ni Raffy Tulfo ang ina na si Kristine Louraine Borja upang humingi ng tulong na mabawi ang anak niyang babae na 13 anyos lamang na sumama sa nobyo nito.

Napag-alaman ng programa na menor de edad din ang nobyo ng anak ni Kristine na si Trish kaya naman di ito masampahan ng kaso.

Ang tangi lamang nilang pwedeng gawin ay ang pakiusapan ang lalaki na pabalikin si Trish sa ina na siya namang naisagawa sa tulong ng programa.

Takot daw umano si Kristine na baka kung ano na ang nagyari sa kanyang anak sa panahong nasa pudar ito ng nobyo.

Ayaw daw niya kasing mangyari rito ang nangyari sa kanya noong siya ay bata pa.

Aminado rin si Kristine na wala siyang oras sa anak dahil sa trabaho kaya naman di niya ito nagagabayan ng husto.

Samantala, nakumpirma naman ng programang Bitag na kasama nga ni Alfred ang nobyang si Trish sa pamamagitan ng kapatid nitong si Vangie Jumawan.

Sinabi rin ng programa na susunduin na nila si Trish at iuuwi na ito sa kanyang ina. Sumang-ayon naman ang pamilya ni Alfred at di rin siya tumutol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kasama ang pamilya ni Alfred na humarap kay Kristine sa pagsasauli ni Alfred kay Trish.

Pinakiusap din ng ina na tapusin na ng dalwa ang kanilang relasyon lalo pa at sila at mga bata pa.

Sinang-ayunana naman ito ni Alfred at maging ang ama nito. Kalaunan, nagkasundo na ang parehong panig na huwag nang gambalain pa ang isa’t isa.

At dahil sa nabanggit ng ina na di na niya nabibigyan ng oras ang anak, binigyan ni Raffy Tulfo ang mag-ina ng bonding time na ginawa nila sa Enchanted Kingdom.

Nagpasalamat ang mag-ina sa pagkakataong ito na binigay ng programa at di raw nila ito malilimutan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Another story of infidelity earns viral thrashing

Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel