Pinay OFW na sinasaktan at kinukulong di umano ng kanyang amo, humingi ng saklolo sa pamamagitan ng sulat

Pinay OFW na sinasaktan at kinukulong di umano ng kanyang amo, humingi ng saklolo sa pamamagitan ng sulat

- Humingi ng saklolo sa pamamagitang ng isang sulat ang OFW na si Almira Cayetano

- Sinasaktan daw umano siya ng kanyang amo at kinukulong pa siya sa kanyang kuwarto pag gabi

- Nais na lamang niyang makapunta sa Philippine Embassy at nang makauwi na sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinay OFW ang humihingi ng tulong dahil sadi umano'y pagmamaltrato sa kanya ng kanyang amo.

Sa post ng ilang OFW, nananawagan ang mga ito upang matulungan ang Pinay na nakilalang si Almira Cayetano at sana raw ay maialis na ito sa bahay ng kanyang amo sa lalong madaling panahon.

Kinuha raw ng amo ni Almira ang kanyang cellphone kaya naman di ito makatawag kanino man.

aisipan na lamang niya na gumawa ng sulat tungkol sa mga detalye na ginagawa sa kanya ng kanyang amo gaya ng pananakit at pagkulong sa kanya sa kwarto lalo na pag gabi.

Sa sulat, nagbigay din ng detalye si Almira sa kung sino ang kaibigan niya na naroon din sa Saudi na maaring makatulong sa kanya upang ipagbigay alam ang kanyang kalagayan sa embassy.

Sa post naman ng OFW na si Icel Esmeria Estrada, naririnig pa niya na tila may sigawan pang nagaganap sa kinaroroonan ni Almira kaya naman labis na itong nag-aalala sa kalagayan ng kapwa Pinay.

Makikita rin sa larawan ang sitwasyon ni Almira na nakadungaw na lamang sa bintana ng kanyang kwarto kung saan siya nakakahingi ng saklolo.

Matulungan sana siya sa lalong madaling panahon dahil sa di na rin niya alam ang maaring gawin sa kanya ng kanyang amo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel