Buntis, hinihinalang isda ang laman ng tiyan dahil sa nakita sa ultrasound

Buntis, hinihinalang isda ang laman ng tiyan dahil sa nakita sa ultrasound

- Isang 17 taong gulang na dalaga ang hinihinalang nagdadalang-"isda" at hindi tao

- Wala raw kasintahan ang dalaga ngunit 7 buwan na ang 10 kilo niyang tiyan

- Sa ultrasound, lumabas ang animo'y isda ngunit kalaunan ay napag-alamang may overian cyst daw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pitong buwan na raw na "buntis" ang dalagang si Kimberly Robles na taga isla ng Manait Bacacay, Albay.

Ngunit di lang daw basta ito buntis dahil naging usap-usapan na "isda" ang laman ng kanyang 10 kilo na tiyan.

Ayon sa ulat ng GMA news, wala naman daw nobyo si Kimberly kaya naman labis silang nagtataka bakit lumobo ang kanyang tiyan.

Suspetsa ng lola ni Kimberly, marahil ay totoo ang paniniwala ng mga taga-Manait na di dapat naliligo ang babae sa dagat o anumang yamang tubig lalo na kung ito ay may regla. Dapat maghintay pa umano ito ng hanggang limang araw matapos ang buwanang dalaw bago makaligo sa dagat.

Nakakaakit daw kasi ito ng mga lamang dagat kaya maaring napasukan di umano si Kimberly ng "isda".

Nang ipasuri na sa doktor ang tiyan ni Kimberly, laking gulat din nila na animo'y itsurang isda nga ang nakita sa kanyang ultrasound.

Dahil dito, mas lalong naging usap-usapan ang kanyang sitwasyon at sinasabing isda nga ang lamang ng kanyang tiyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, upang makasigurado, nagpa-second opinion si Kimberly at dito nalamang mayroon pa la siyang ovarian cyst.

Sinabi ng doktor na napaka-imposible raw na magkaroon ng buhay na isda sa loob ng kanyang tiyan o sinapupunan.

Dahil dito, kinakailangan ni Kimberly na maoperahan dahil kapag pumutok pa ito, maaring maimpeksyon pa ang kanyang buong katawan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel