Foreigner na iniwan daw ng Pinay na misis, mag-isang nagdusa sa malubhang sakit

Foreigner na iniwan daw ng Pinay na misis, mag-isang nagdusa sa malubhang sakit

- Binahagi kamakailan ng isang concerned citizen ang kalagayan ng foreigner na inabandona ng Pinay na misis

- Naglilinis lamang daw ito ng mga sasakyan para magkaroon ng pera ngunit tinamaan ito ng malubhang karamdaman

- Inampon na lamang ito ng pamilya ng nag-post at umaasa na lamang sila na matulungan na ang foreigner ng kanyang kapatid na sumagot naman na raw sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nakababahala ang kalagayan ngayon ng isang foreigner na inabandona na pala ng kanyang misis na Pinay.

Ayon sa viral post ng netizen Zyrabelle Sacay, di nila nalaman pa kumbakit iniwan na lamang ng Pinay ang foreigner na nakilalang si Nash Redondo Berriatua.

10 taon na raw itong namamalagi sa bansa at mula nang iwan ito ng Pinay, naghirap na ito at naglilinis na lamang ng mga sasakyan.

Wala na rin daw tirahan si Nash at natutulog na lamang daw ito sa truck ng basura.

Ngunit kamakailan, lalong naging kalunos-lunos ang lagay ng foreigner dahil sa tinamaan ito ng malubhang karamdaman kung saan may dugo na raw ang dumi nito.

Nagpasyang kupkupin pansamantala ng pamilya ni Zyrabelle ang si Nash dahil sa kalagayan nito. Sa awa, nagawa na rin nilang linisan ang foreigner dahil sa di na ito nakakakilos at hinang hina na dahil sa labis na pagdudumi.

Kinukumbinsi rin ng pamilya ni Zyrabelle na dalhin na sa ospital si Nash, ngunit di nila ito mapapayag.

Sinubukan na rin nina Zyrabelle na makipag-ugnayan sa kapatid na lalaki ni Nash at umaasa silang matulungan nang tuluyan ang foreigner.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagawa lamang daw i-post ito ng netizen sa pagbabakasakaling may makakakilala rito at mas mapadali ang pagpapaabot ng tulong dito.

Maging ang mga netizens ay labis na nabahala sa kalagayan ng foreigner at wala rin silang ibang hangad kindi ang matulungan na maipagamot ito at mahanap na rin ang kanyang mga kamag-anak.

Umani naman ng papuri at positibong reaksyon ang pamilya nina Zyrabelle na di nagdalawang isip na magmalasakit arugain si Nash.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Dalhin siya Sa embassy ng Spain... Patulong kayo sa DSWD dyan... God bless din sa inyong pamilya na nag intindi sa kanya...."
"Ang tama lng gawin ipaalam sa embassy nila. Kawawa nmn buti may nag aalagang mg ina na mabait"
"Mrmi tlgang mga bbae n gnyn PG la n blng pkinbang s foreigner iniiwan nlng nla."
"Patuloy mo kBayan ang mabuti mo na ginagawa.ikaw din ang mag aani niyan"
"Kawawa nman Sana matulongan sya agad"
"Kawawa nman,kng cno ka Man babae ka wala kang puso mukha kang Pera diyos na bahala syo pagkatapos mong ubusin pera ng tao iniwan mo nalang wala kang puso"

Sa kasamaang palad, isanag araw lamang mula nang ibahagi ni Zyrabelle ang post ay binawian na rin ng buhay si Nash.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel