Babae sa Negros Oriental, kinalmot daw ng aswang sa loob mismo ng boarding house

Babae sa Negros Oriental, kinalmot daw ng aswang sa loob mismo ng boarding house

- Sinalaysay ng isang babae sa mula sa Negros Oriental kung paano siya inatake raw ng aswang

- Kamukha raw ng kanilang ka-boardmate ang aswang kaya inakala nilang iyon ang umatake sa kanila

- Pinatingnan ang mga sugat aa isang espesyalista at sinasabing kamot, kalmot o gumamit daw ng matulis na bagay ang gumawa nito sa babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinago sa pangalang Carla, kinapanyam ng Kapuso mo Jessica Soho ang babaeng inatake di umano ng isa raw aswang.

Kwento ni Carla, natutulog lamang daw sila noon ng kanyang pinsan at kasama sa boarding house na si Daisy, nang mapansin niyang may kinakusap ito at tila pinaalis pa.

Dahil patay ang ilaw bandang ala una ng madaling araw, pinababalik na lamang daw ni Carla ang pinsan sa pagkakatulog.

Ngunit, laking gulat nila nang mapansing ang kausap pala ni Daisy ay ang isa pa nilang ka-board mate na si Jenny ngunit nanlilisik daw ang mga mata nito na mapupula.

Nang buksan nila ang ilaw, wala na raw ito. Napansin naman nila ang mga kalmot sa binti ni Carla dahil sa dugong tumutulo na mula sa mga sugat. Suspetsa nila, kakagawan ito ni Jenny na inakusahan nilang aswang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maya maya pa'y dumating na si Jenny na tila walang alam sa pangyayari. Dito kinilabutan na ang magpinsan dahil nakita nga nila si Jenny na nanlilisik ng mga mata sa loob mismo ng kwarto nila.

Tinanong muli nila si Jenny kung may kinalaman siya sa mga kakaibang pangyayari ngunit iginiit nitong natutulog siya at narinig na lamang niya ang kaguluhan kaya naman siya ay nagiging.

Nalaman ng KAMI na 'lamat' daw ang tawag sa ginawang ito ng aswang kay Carla. Ang mga ganitong uri ng aswang daw ay may kakayahan pang manggaya ng anyo o mukha ng tao. Marahil ito ang ginawa ng aswang kung saan ginaya nito ang mukha ni Jenny kaya naman siya ang napagbintangan na nanakit at umatake kay Carla.

Katunayan, nag-viral pa raw ang post ni Carla patungkol sa nakakakilabot niyang karanasan sa aswang. Kaya naman binigyang babala rin niya ang mga makakabasa na mag-ingat pa rin dahil naglipana pa rin daw ang aswang sa panahon ngayon.

Samantala, ayon sa mga albularyo, mainam na pangbugaw o pang-alis ng aswang sa paligid ang asin. maglagay lamang daw sa pinto, bintana at paligid ng bahay, di na raw ito makakapanabala sa naninirahan doon. At syempre, samahan na rin ng dasal na ilayo sa anumang kapahamakan ang iyong pamilya.

In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! Scary Nun Prank in the Philippines: Run| HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tama o sobra? 10-yr-old, pinarusahan ng ama ang pambu-bully, pinalakad ng 8 kms papuntang eskwelahan

Tama o sobra? 10-yr-old, pinarusahan ng ama ang pambu-bully, pinalakad ng 8 kms papuntang eskwelahan

Tama o sobra? 10-yr-old, pinarusahan ng ama ang pambu-bully, pinalakad ng 8 kms papuntang eskwelahan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel