7 Pinay celeb moms na namatayan ng mga munting anghel

7 Pinay celeb moms na namatayan ng mga munting anghel

- May mga Pinay celeb moms na dumanas ng sobrang sakit dahil namatayan sila ng mga baby

- Pinakita nila kung gaano sila katapang sa pag-overcome ng pagsubok

- Ilan sa kanila ay sina Pokwang, Mariel Rodriguez at Saab Magalona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala na sigurong hihigit pa sa sakit na mararamdaman ng isang magulang kapag mamatayan siya ng anak.

May ilang mga celebs na lingid sa kaalaman ng marami ay namatayan ng babies.

Pero sa anumang pagsubok, nanatili silang matatag at patuloy na lumaban sa hamon ng buhay.

Pokwang

Bago pa man dumating si Malia sa buhay ni Pokwang at Lee O'Brian, naranasan nilang mag-partner na mamatayan ng kanilang panganay na anak, ayon sa napagtanto ng KAMI.

Saab Magalona

Nagulantang ang Pinas noong inannounce ni Saab na namatay ang isa niyang twin. Naiwang buhay at malusog si Pancho. Siya ngayon ang pokus ng mag-asawa.

Tanya Garcia

Dumanas ng matinding pagsubok si Tanya Garcia at asawa nitong si Mark Lapid noong 2013. Namatay ang kanilang pangatlong baby. Buti na lang at dumating si Madeleine sa kanila pagkatapos ng trahedya.

Neri Naig

Bago dumating si Miguel kina Neri at Chito, namatayan sila ng firstborn. Dahil dito nag-lie low muna mag-asawa para di ma-stress si Neri.

Mariel Rodriguez

Apat na babies ang nawala kay Mariel bago kay Baby Isabella. Ngayon, sobrang pag-aalaga ginagawa niya sa anak niya.

Regine Velasquez

Ang firstborn ni Regine with husband Ogie Alcasid ay namatay din. Two months pregnant pa lang si Reg noon nang mamatay ang baby niya.

Nikka Garcia

Namatay ang third baby nina Nikka at Patrick Garcia noong March 2017. Pero noong December din sa parehong taon, nabiyayaan sila ng isang baby girl.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel