Di tao ang kumukuha? Isang sitio sa Guimaras, 18 taon nang nananakawan ng 'panti' sa mga sampayan

Di tao ang kumukuha? Isang sitio sa Guimaras, 18 taon nang nananakawan ng 'panti' sa mga sampayan

- Binalot ng misteryo ang isang sitio sa Guimaras dahil sa mga nawawalan ng mga underwear doon sa loob ng 18 taon

- Ang ilan ay pinagtawanan lamang ang pangyayari habang ang mga nawalan ay sineryoso talaga dahil di biro na ang nakawang ito

- May sabi-sabing di tao ang gumagawa nito ngunit pilit pa ring inaalam kung sino ang may kagagawan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa loob ng halos dalawang dekada, di parin matukoy ng mga taga-Sitio Quiling sa Guimaras ang misteryo ng pagkawal ng mga panloob na salawal ng mga babae.

Nahihiya raw magsumbong ang mga kababaihan doon na nawawalan dahil baka pagtawanan lamang daw sila ng mga pulis sa inirereklamo nila. Bukod dito, wala silang sapat na ebidensya na talagang may nangunguha nito sa kanilang sampayan.

Kwento ng mga babaeng residente roon, makalimutan mo lang daw na nakasampay ang iyong 'panti' ng magdamag, tiyak na kinabukasan na wala na ito.

Isa sa mga salaysay ng taga-roon, umabot na sa dalawang dosenang 'panti' ang nawala sa kanya.

Kung ano-ano na nga raw ang ang ginawa nila upang mahuli o mapigilan ang gumagawa nito. naroong sinubukan na nilang itago sa loob ng mga t-shirt ang mga 'panti' ngunit nawawala pa rin ito.

Naisipan na nilang lagyan ng livewire ang sampayan ngunit kataka-takang nakukuha pa rin ang mga salawal. Nagawa na rin nilang lagyan ng pa-ngay na lata ang mga panloob ngunit sadyang magaling ang nangunguha ng mga 'panti'.

Nagkaroon tuloy ng kuru-kuro roon na di tao kundi isang tamawu o uri ng engkanto ang kumukuha ng mga ito.

Lalong lumakas ang kutob nila nang makakita sila ng maruming 'panti' sa puno na pinaniniwalaan nilang kinuha ng engkanto.

Ang mas nakakagulat pa rito, natagpuan nila ang mga panti sa masukal na kawayanan. Doon nila nakita ang mga panloob na inako pa ng mga kababaihan sa kanilang sitio.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung tutusin kulang pa raw ang mga natagpuang panti na ito sa mga nawala sa loob ng 18 taon. Sa tulong ng Kapuso Mo Jessica Soho, naglagay ng CCTV ang isang bahay na madalas mawalan sa sitio upang matukoy na kung sino ang kumukuha. Sa kasamaang palad, wala pa ring nahuli na nagunguha ng 'panti'.

Ayon naman sa isang psychologist, maari daw na 'sexualparaphilia' partikular ang 'fetishism' ang kaso ng nangunguha ng mga underwear na ito. Ang mga taong ito ay ginagamit maging ang mga gamit gaya ng 'panti' upang mapunan ang kanilang pangangailangan. Mas mainam din daw na kumunsulta na sa mga ekperto ang mga nakararanas ng ganito upang huwag nang mauwi sa ano pa sa malalang krimen.

Sumisigaw pa rin ng hustisya ang mga kababaihan sa pagkawala ng mahalagang gamit sa kanila. Ito raw ay di katatawanan. Maituturing na seryosong bagay ito dahil sa may nagnanakaw at may nawawalan.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel