17 anyos na dalaga, buto't balat na dahil sa malubhang karamdaman

17 anyos na dalaga, buto't balat na dahil sa malubhang karamdaman

- Nangangailangan daw ng tulong ang isang 17 taong gulang na dalaga na halos buto't balat na

- 2007 pa raw nang huling nadala sa opital ang dalaga

- Binahagi ang larawan ni Gennalyn upang makahingi ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang social worker na labis na nag-aalala sa sitwasyon ng 17 taon gulang na si Gennalyn.

Makikitang buto't balat na si Gennalyn na esidente ng Mayorga, Leyte.

Kwento ng ina ni Gennalyn na si Glenda Dominguilles Palaña, taong 2007 pa ng huling napatingnan sa doktor ang anak dahil sa mataas na lagnat.

Malayo raw kasi sa kanilang lugar ang ospital kaya naman hindi na natingnan muli ng espesyalista ang kalagayan ni Gennalyn.

Bago tuluyang maging buto't balat ang hitsura ni Gennalyn, inaatake pala siya ng kombulsyon at labis na mataas ang lagnat nito pag tinatamaan ng sakit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito bumagsak na nang husto ang kanyang timbang hanggang sa tuluyan nang naging halos wala na siyang laman.

Nang magkaroon ng pagkakataon na ipatingin muli sa doktor matapos ang 11 taon, napag-alaman na nagkaroon pala ng meningitis si Gennalyn noong 2007 na naging dahilan ng severe acute malnutrition.

Kaya nangangailangan talaga ng tulong si Gennalyn dahil dala rin ng kahirapan, di kakayanin ng pamliya ni Gennalyn na sustentuhan ang lahat ng kailangan ng dalaga upang mapanumbalik ang kanyang kalusugan.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel