Valak ikaw ba yan? Multo, aksidenteng nakunan ng video

Valak ikaw ba yan? Multo, aksidenteng nakunan ng video

- Isang multong may pigurang madre ang nagpakita umano sa isang video

- Aakalaing ito ay si 'Valak' mula sa pelikulang "The Nun" na palabas ngayon sa sinehan

- Di raw ito ang unang pagkakataon na may nagparamdam sa tahanan ni Princess, ang kumuha ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di inaasahn ng aspiring vlogger na si Princess ng Mindoro na mhahagip ng kanyang camera phone ang isang pigura na animo'y isang madre.

Mahilig daw talagang kumuha ng video ang dalagita kaya naman maging ang parte ng kanilang bahay ay kanyang kinunan.

Nalaman ng KAMI na noong nakaraang taon, naisipan ni Princess na kunan ng video ang kanilang hapagkainan. Laking gulat niya nang sa isang sulok ng bahay, nahagip ang isa raw 'multo' na may anyong madre dahil sa may belo raw itong itim.

Labis na kinilabutan ang mga kaanak niyang nakakita ng video. Mula raw kasi nang magpakita ang 'multo' sa video, ay panay na rin ang paramdam nito sa kanilang bahay.

Kwento ng nakatatandang kapatid at maging tiyo ni Princess, maging sila ay pinagpapakitaan at pinagpaparamdaman ng 'multo'.

Pinasuri sa isang espiritista ang video at maging ang mismong lugar kung saan nakuha ang video. Binigyang linaw ni Jade Martin, isang paranormal expert na hindi madre ang nahagip sa video. anya, isa itong elemento na nagmukha lamang madre dahil sa itim na suot nito.

Dagdag pa ni Jade, di raw nangangahulugan na masamang elemento ito dahil sa ito ay nakaitim. Sa katunayan, malungkot daw ang elemento na ito na gusto lamang bumalik sa dati niyang lugar.

Di raw kasi talaga ito namamalagi sa bahay nina Princess. Maari raw na may pinuntahang bahay ay mag-anak at sumama lang daw ang entity na ito. marahil ang pagpapakita raw nito sa video ay ang paraan nito para maibalik siya sa lugar kung saan siya nagmula.

Samantala, pinasuri rin ang naturang video sa mga eksperto at sinabi ng mga ito na malaki raw ang posibilidad na ito at nilagay lamang.

Mariing pinabulaanan naman ito ng lolo at lola ni Princess. Di raw nagsisinungaling ang kanilang apo. katunayan, iyak nang iyak daw ito nang makita ang video at halos di makatulog ng maayos.

Kalaunan, tiningnan nila ang anggulo nang di pagpapabendisyon pa ng bahay kaya naman may ganitong klaseng elemento ang namamahay.

Kaya naman pinabendisyunan ang tahanan sa pari at umaasa silang di na muling magpaparamdama ang elementong nakita sa video.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong?on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel