Isang bata ang nakuryente nang may matapakang kawad ng kuryente sa baha

Isang bata ang nakuryente nang may matapakang kawad ng kuryente sa baha

-Isang bata ang nakuryente ng may matapakang live wire sa baha habang naglalakad ito

-Isang lalaking naglalakad naman ang tumulong sa bata

-Ayon sa uploader ng video, ligtas na ang biktima at nagpapagaling sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang batang estudyante ang nakuryente ng makatapak ito ng kawad ng kuryente na nalaglag sa baha ang nakunan ng CCTV.

Makikita sa video ang batang babae na naglalakad kasama ang dalawang batang lalaki na ayon sa uploader na si Pam Fenequito Salinas, ay mga kapatid ng biktima, sa Ilang-ilang Street Concepcion Subdivision Baliwag Bulacan ng bigla na lamang itong tumumba.

Isang babae naman na ayon pa din sa uploader ay nanay ng biktima, ang nagmamadaling tumakbo papunta sa bata, ngunit maging ito ay nakuryente din.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Makikitang dalawang beses na sinubukan ng ina ng bata na iligtas ito ngunit hindi nito nagawang sagipin ang anak.

Mabuti na lamang ay may dumating na isang lalaki na ayon sa uploader ay driver umano ng ambulansyang swerteng napadaan ng mangyari ang insidente.

At nagawa nitong alisin ang kawad ng kuryente na nadikit sa bata gamit umano ang isang kahoy.

Ayon sa latest update ni Salinas, dinala sa Carpa Hospital sa Baliuag Bulacan ang bata at ngayon ay nagpapagaling na sa kanilang bahay ngunit patuloy pa rin ang laboratory test para dito.

Nalaman ng KAMI, na lahat umano ng gastusin ay sinagot ng Meralco.

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel