Nakakakilabot! Buntis, pinakulam ng sariling bff dahil daw sa selos

Nakakakilabot! Buntis, pinakulam ng sariling bff dahil daw sa selos

- Viral ngayon ang video ng isang healer at di umano'y nakulam na buntis

- Nakararamdam daw ng matinding pananakit ng tiyan ang babae at ito dahil sa masamang elemento na nagpapahirap sa kanya

- Maayos na natapos ang 'ritwal' at binigyang linaw ng babae ang mga impormasyon tungkol sa gumawa ng kulam sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang halos isang oras na video ng isang babae na lumapit di umano sa isang espiritista dahil sa nararamdaman niyang sakit.

Ayon sa showbizread buntis pa pala ang babae kaya naman labis itong nabahala sa kanyang nararamdamang matinding sakit.

Nalaman ng KAMI na kakaiba raw pananakit ng tiyan ang nararamdaman ng babae kaya naman naisipan na talaga nilang lumapit sa healer.

Sa video makikitang tila isang malakas na elemento ang nagpapahirap sa babae. Nagbigkas ng kung ano anong 'bulong' ang healer ngunit nagmamatigas ito.

Dumating pa sa punto na matapos maiyak ng babae, humalakhak naman ito na animo ay isang kontrabida.

Patuloy pa rin asa pagkausap ang healer sa masamang elemento na nagpapahirap sa babae ngunit nagmamatigas talaga ito. Kinailangan pang hawakan ang parehong kamay niya sa lakas na pinararamdam ng espiritu.

Narito ang kabuuan ng video:

Bago matapos ang video, makikitang tila may pinapagpag mula sa katawan ang babae. Patuloy pa rin ang pagkausap ng espiritista sa babae at inuutusan pa itong tanggalin ang anumang nakakapit sa buong katawan ng babae.

Nakuha pa itong pagmadaliin ng healer, ngunit sumagot pa ito na "marami pa."

Inggit daw ang dahilan ng pagpapakulam daw ng kaibigan na ito ng babae. Mahal na mahal daw kasi ito ng boyfriend niya at mayroon pa raw itong bahay.

Nang mahimasmasan, doon nakausap na nag maayos ang healer at nalaman ng nagsinungaling pa ang elemento sa binigay na pangalan nito sa kanya.

Hindi na maayos ang pagkakaibigan ng babae sa nangkulam sa kanya at naikwento niya na naka-block na ito sa kanyang mga social media.

Nang matapos ang kaganapan, magaan na raw ang pakiramdam ng babae di gaya ng pagpunta niya roon na sobrang bigat at di niya halos maintindihan ang nararamdaman.

Totoo man o hindi, mabuting tayo ay mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan. Minsan wala namang masamang maniwala sa mga ganitong klaseng pagpapagamot dahil sila pa nga ang nakasasagot sa mga tanong na tila di natin basta masagot.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel