Video ng pandurugas ng tindera sa customers nag-viral, timbangan nagma-magic ng kilo

Video ng pandurugas ng tindera sa customers nag-viral, timbangan nagma-magic ng kilo

- Isang nanay ang nahuli ng kanyang customer na dinadaya ang timbangan

- Ang biniling prutas ng customer na sa totoong timbang ay nasa isang kilo lamang, nagiging halos dalawang kilo sa timbangan ni nanay

- Kuha lahat ang pandurugas sa isang video na inupload ng biktima sa Facacebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang netizen ang di kanais-nais na karanasan sa isang prutasan sa may San Pablo, Laguna.

Nalaman ng KAMI na ang tindera ng prutasan ay may weighing scale na pinapagamit sa customers, at may weighing scale din na nakatago.

Nang gustong ilagay ng kasamahan nila sa nakatagong timbangan, hindi raw maaari sabi ng ale, kasi nga raw may nakalabas nang timbangan na dapat gamitin.

Kaya pumunta sila sa kabilang stall, dun na nila nalaman na talagang niloloko ng aleng iyon ang mga cutomer nila.

Lahat daw na nadadaan dun, ganun ang modus nila.

Nang i-check niya ang biniling prutas sa tindahang iyon, gamit ang kanyang sariling timbangan, dun napagtanto na ang isang kilo ay nagiging halos dalawang kilo sa tindahan ng ale.

Ibig sabihin, binayaran nilang timbang ay isang kilo sa halagang halos dalawang kilo.

Sana ay mahuli maliwanagan ang pag-iisip ni ate at itigil na ang pandaya.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)