Swerte! Bata sa viral video, pinabilib ang Momoland sa pag-"booom booom"

Swerte! Bata sa viral video, pinabilib ang Momoland sa pag-"booom booom"

- Mapalad ang batang si AJ na nakasama niya mismo ang hinahangaan niyang grupo ang Momoland

- Si AJ ang batang lalaki sa viral video kung saan sumasayaw siya ng 'boom boom' sa school presentation nila

- Natuwa ang mga netizens para kay AJ na muntik pang magkaroon ng aberya ang meet-and-greet sa Momoland

Si AJ ang batang nasa viral video na umabot na sa 3.2 million views. Isa lamang iyon sa mga schol presentations ng bata ngunit dahil sa galing nitong sumayaw, madaming netizens ang natuwang manood ng kanyang video.

Sa panayam kay AJ, mahilig pala talaga siyang magsayaw. Sa dami ng gusto niyang sayaw, 'Booom booom' ng Momoland ang kanyang pinakapaborito at hinahangaan niya ang grupo sa galing nito sa paghataw.

Nalaman ng KAMI na sa tulong programang Kapuso mo Jessica Soho, nakilala mismo ni AJ ang mga iniidolo niyang sina Nancy, JooE, Daisy, Ahin, Jane, Hyebin at Taeha.

Muntik pa nga raw magkaaberya ang once in a lifetime meet-and-greet ni AJ sa Momoland dahilan sa ito ang araw kung saan nagkaroon ng aksidente sa runway ang Xiamen Airlines sa Naia.

Ngunit tila pinag-adya ang pagkikita ni AJ at kanyang mga idolo dahil nakaabot pa ito kahit pa na-delay nang ilang oras ang flight nila.

Tuwang tuwa ang grupong Momoland nang magpakitang gilas na si AJ. Hangang hanga sila sa bawat galaw ni AJ na pasok daw sa pagiging miyembro ng Momoland. Labis daw na nakakataba ng puso na may mga batang kagaya ni AJ na humahanga sa kanila.

Samantala, di maiwan ng mga netizens na mamangha rin kay AJ na napaka-swerte raw at nakilala ang Momoland.

Nababalitang marami pang shows na pupuntahan ang grupong Momoland dito sa bansa.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel