Soo cute! Kakaibang bonding ng mag-ama bilang sina 'Thanos at little Gamora', nag-viral

Soo cute! Kakaibang bonding ng mag-ama bilang sina 'Thanos at little Gamora', nag-viral

- Agaw eksena sa kamakailan na AsiaPOP Comicon Manila ang mag-amang nag-cosplay bilang sina 'Thanos at Gamora' na mga karakter sa 'Avengers: Infinity war'

- Nag-viral ang kanilang video dahil sa nakamamanghang paggaya ng ama sa costume ni Thanos na kuhang kuha ang bawat detalye

- Tuwang tuwa ang mga Marvel fans sa ginawang ito ng mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena talaga ang ginawa ng mag-amang sina Kino Kaoru at kanyang anak na si Shay Denorte na paggaya kina 'Thanos at Little Gamora' mula sa pelikulang 'Avengers: Infinity War'

Nalaman ng KAMI na nag-cosplay ang mag-ama para sa katatapos lamang na AsiaPOP Comicon Manila (APCC).

Una nang naibahagi ni Kino ang video nila ng kanyang anak noong nakaraang linggo na labis namang kinatuwa ng mga Marvel fans.

Ayon pa kay Kino, pinagtulungan nilang mag-asawa ang naturang costume na talaga namang kuhang kuha ang konsepto mula sa mga karakter ng Marvel.

Sa Marvel Philippines kung saan muling bunahagi ang video, nilagyan ito ng caption na "parenting done right".

Hango sa karakter ni Thanos na bagaman at pinatay ang mga tunay na magulang ni Gamora ay nagawa pa rin nitong isalba ito at kupkupin na parang tunay na anak. Ngunit kalaunan ay kinamuhian ni Gamora si Thanos dahil sa pagpatay nito sa mga inosenteng tao.

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon ang video ng mag-amang ito. Narito ang reaksyon ng ilang mga netizens:

"No words! Wow"

"Sweet, awesome"

"Anyone else see the little kid in the orange shirt raise his fist and shake it at Thanos? "

"Father of the year"

"Best dad ever"

"OMG that is so cute. Also awesome work"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Cardinal Tagle, may mensahe sa mga bully at inaabuso ang kapangyarihan

Cardinal Tagle, may mensahe sa mga bully at inaabuso ang kapangyarihan

Cardinal Tagle, may mensahe sa mga bully at inaabuso ang kapangyarihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel