Lalaking pasahero ng bus, humanga sa pagiging 'gentleman' ng isang bading sa mga babae

Lalaking pasahero ng bus, humanga sa pagiging 'gentleman' ng isang bading sa mga babae

- Viral ngayon ang post ng isang lalaki na pasahero ng bus kung saan napansin niya ang ginawa ng isang bakla sa mga babae

- Nahiya ang netizen na si Alden Harold Garces kung saan parang 'mas lalaki' pa raw ang ginawa ng bading kung saan pinauupo nito ang mga babaeng nakatayo sa bus

- Dahil sa nasaksihan ni Alden, saludo siya sa ginawa ng bakla at nakuha ng LGBTQ ang respeto ni Alden sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang facebook user na nagngangalang Alden Harold Garces ang nagbahagi ng isang karanasan niya sa bus kung saan labis siyang humanga sa isang bading dahil sa pagiging 'gentleman' nito.

Nalaman ng KAMI na tila nahiya pa sa sarili niya si Alden na parang mas lalaki pa raw ang mga bakla kaysa sa mga totoong lalaki gaya na lamang ng nasaksihan niya sa bus.

Isang bakla at may ilang babae din ang nakatayo sa bus. Nang may nakabakanteng upuan, tinawag daw ng bading ang isa sa mga babae para ito at makaupo.

Bagaman at kitang kita raw na gusto nang makaupo ng bakla, nang may nabakante pa muling upuan, tinawag pa rin niya ang isang babae para ito naman ang makaupo.

Humanga si Alden sa ginawa na ito ng bakla at dahil dito, tumaas ang respeto niya sa mga miyembro ng LGBTQ. Saludo daw siya at mayroon pang kagaya ng bakla na ito na sana ay maging ehemplo rin daw sa iba.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mocha Uson, nagsalita sa naging viral video ni Aga Muhlach ukol kay Trillanes

Mocha Uson, nagsalita sa naging viral video ni Aga Muhlach ukol kay Trillanes

Mocha Uson, nagsalita sa naging viral video ni Aga Muhlach ukol kay Trillanes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel